TILA MAY usapan ang magka-live in na sina Paulo Avelino at LJ Reyes na palalabasin na hiwalay na silang dalawa para hindi ito makaapekto sa kani-kanilang mga career.
At a recent showbiz event, naikuwento ni LJ na tila nalilito sa kanyang isasagot about her and Paulo. Mukhang hindi sila hiwalay at patuloy pa ring nagsasama dahil hindi madiretso ni LJ ang sagot kung totoong split na sila.
Nang tanungin kung nagsasama pa ba sila sa iisang bahay, pahayag ng aktres ay positibo, na ang ibig sabihin, yes they still live together in one room, in one bed.
Siguro parte ng imaging at strategy para laong pag-usapan si Paulo (not the negative image niya sa showbiz).
Ang basa namin, martir si LJ. Siya ang babae na handang magtiis para lang sa lalaking mahal niya, lalo na’t may anak sila.
Si LJ ang babaeng hindi magrereklamo, hindi aangal at gagawin ang kahit na ano basta lang para kay Paulo.
PAREHO KAMI marahil ng obserbasyon ng choreographer-manager na si Joy Cancio ng SexBomb kung bakit kung ikukumpara ang nasibak na Party Pilipinas sa rumaratsadang ASAP ng Kapamilya Network, matutulog at kakain ng alikabok ang una sa konsepto ng kanilang palabas every Sunday.
Sabi ni Joy sa amin last Sunday nang mapanood namin ang bagong production number ng mga mananayaw niya sa Zirkoh Morato, aprub sa amin na ‘di hamak nga na mas magagaling ang creative team ng ASAP kaysa sa PP.
Ang ASAP pinag-iisipan. Mula sa tipo ng musika, styling sa pananamit ng mga artista at performers, at higit sa lahat ay ang performances ng mga ito.
Ang ASAP performers, hataw kung hataw just like what we’ve seen on television kapag dance segment na nina Maja Salvador at Shaina Magdayao.
Performance level, ‘ika nga. Ang PP, wala, natutulog sa kankungan at napapag-iwanan. Kung sino man ang music researchers nila at stylists, kakain ng alikabok mula sa creative team ng ASAP.
From what we’ve witnessed last Sunday kung saan kasama ko si Ms. F, ang ganda ng bagong dance concept ng SexBomb. Ang musika, halaw sa Les Meserables kung hindi ako nagkakamali, with their black strips tops na kunwari mga preso sila.
Sa pagbabalik sa ere ng mga artista ng Kapuso Network for their new Sunday show na itatapat sa ASAP, buong pagmamalaki naman ni Jolina Magdangal na may participation sila sa concept ng show. They are not just mere performers.
“Mga 50 stars kami. Pero wala pang detalye. We just had an initial meeting,” kuwento niya.
Sa ganang amin, kung sa pagbabalik ng Sunday show ng GMA-7 na itatapat sa ASAP (we’ve heared na isang entertainment cum game show) na ganu’n pa rin ang kalalabasan ng creativity ng show, nagsayang lang sila at matutulog muli sa kangkungan. They should get out of the box if they want to compete.
Sabi nga ni Joy, “Dapat palitan na ang choreographer,” pertaining to Geleen Eugenio na in-house choreographer ng GMA.
That evening, I enjoyed Sex Bomb performance na pinaghalong jazz, ballet at panaka-nakang hip-hop.
IT’S DIFFICULT to come out in the open.
Saludo kami kay Charice Pempengo sa pag-amin niya kung anong lifestyle man ang pina-practice niya.
Hindi ganu’n kadali ang pag-amin sa publiko, lalo na sa pamilya mo na isa kang lesbian o bading.
With Charice’ courage admitting tha she’s a tomboy, hangang kami sa kanya. The LGBT community loves you for that at suportado ka namin.
Ang tanong, who will be the next local celebrities who will have the courage like Charice to come out from the closet?
Abangan ‘coz we will make some recommendations!
Reyted K
By RK VillaCorta