MARAMING HINDI naniniwala sa na-ging pahayag ni Kris Aquino na iiwan na niya ang showbiz dahil na rin sa kanyang anak. Tsika nga ng marami na isa na naman itong strategy para makuha ang loob ng mga tao.
Minsan na rin daw kasing nagpahayag si Kris noon na tatalikuran na ang showbiz para maging normal ang kanyang buhay at iwas sa kontrobersiya. Pero after a month, muli itong bumalik sa showbiz na parang walang nangyari.
Kaya naman ngayong nababalot na naman ang buhay nito sa kontrobersiya, muling nag-anunsiyo si Kris na iiwan ang showbiz. Kaya lang this time, mukhang marami ang ‘di na naniniwala.
Dagdag nga ng mga ayaw maniwala sa announcement ni Kris na papa’no raw nitong iiwan ang showbiz samantalang may kontrata pa siya sa ABS-CBN, ganu’n din sa kanyang sangkatutak na ineendorsong produkto. Ilang buwan nga lang daw, ‘pag nag-lie low na ang issue rito with ex-hubby James Yap, baka balik-showbiz na ito muli.
VERY THANKFUL ang isa sa prime artist ng ABS-CBN na si Paulo Avelino sa ganda ng career nito ngayon simula nang lumipat sa ABS-CBN. Tsika nga ni Paulo na this year daw ay sunud-sunod ang kanyang proyekto.
Bukod sa dami ng proyekto nito sa telebisyon, mabenta rin ito sa mga out of the country shows, kung saan nakasama siya sa shows ni Vice Ganda sa ibang bansa (New Zealand at Australia). Bukod pa rito, ang ipinagmamalaki niyang dalawang indie films para sa Cinemalaya New Breed Category, ang Debosyon, na idinirek ni Alvin Yapan, at isa sa Director’s Showcase, ang Sana Dati, ni Direk Jerrold Tarog.
Ang Debosyon ay kuwento ni Mando (Paulo), isang Bikolano na deboto ng Birhen ng Peñafrancia, ang patron ng Bikolandia. Samantalang ang Sana Dati ay isang love story, na ikatlong yugto sa ‘Camera Trilogy’ ni Direk Jerrold Tarog pagkatapos ng Confessional (Cinema One Originals 2007) at Mangatyanan (Cinemalaya 2009).
Ang Cinemalaya 2013 ay gaganapin sa Hulyo 26-Agosto 4 sa CCP, Greenbelt 3 at Trinoma.
Tsika pa ni Paulo na patapos na ang afternoon soap nila nina Angeline Quinto at Sam Milby na Kahit Konting Pagtingin at maghihintay na lang siya ng kanyang next soap sa ABS-CBN.
PALABAS NA sa iba’t ibang SM Cinema simula pa noong March 20 ang Pagari na Pinoy version ng sikat na sikat na Thai movie na Love of Siam na nagpasikat kay Mario Maurer .
Ang Pagari ay pinagbibidahan nina Teejay Marquez at Arkin Del Rosario. Katulad ni Mario, sumikat at mas mapansin kaya ‘di lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa sina Teejay at Arkin after maipalabas ang Pagari?
Katulad daw ng Love of Siam, may nakakikilig, nakakikiliti at nakaiiyak na eksena ang Pagari. At mostly nga raw ng mga nakapanood nito ang nagsasabing maganda ang pagkakagawa at may puso ang nasabing pelikula.
John’s Point
by John Fontanilla