PARANG PASKO lang ang dating ng Walang Hanggan. Meron din itong countdown. So 18 kaabang-abang na episodes na lang at “the end” na ang number one teleserye na nagsimula ng January 16 at magtatapos ng Oct. 26.
Sabi nga namin, hindi na kami choosy bilang kasama rin kami sa sikat na teleserye, ‘no! Aba, ilang buwan din ‘yon? Usually, one season lang ngayon ang teleserye. ‘Pag me clamor, hinahabaan ito at another season (13 weeks) na naman ang extension.
Pero sa Walang Hanggan, 10 months din, huh! Aba, thank you, Lord, na ‘yon, huh! Sampung buwan din kaming binuhay ng teleseryeng ito, kaya thankful kami at the same time, malungkot, dahil para kaming isang buong pamilya sa set.
Kahit kasama mo sina Dawn Zulueta, Richard Gomez, Ms. Susan Roces at Ms. Helen Gamboa, hindi mo mararamdaman sa kanila na ang taas-taas nila. Isa kaming buong pamilya, kaya siguradong mami-miss namin ang isa’t isa.
Lalo na kung iisipin mong walang pa-star sa cast. Although super good luck sa batuhan ng mga artista kung minsan sa tatlong units, kaya ang tendency, hintayan ng artista.
Ganu’n pa man, gusto naming magpasalamat sa lahat ng tumangkilik sa love triangle nina Coco Martin, Julia Montes at Paulo Avelino at ehem, ehem, sa tandem namin ni Arlene Muhlach. Si Perla at si Kenneth na tinawag na “PerNeth”. Hahaha!
SA ALBUM launch ni Paulo Avelino (self-titled album) ay ipinagmalaki naming in-announce sa mga invited press kung gaano kasarap si Paulo, este, kung gaano kasarap katrabaho si Paulo.
Madalas kami ni Paulo ang magkasama sa tent. Pero ‘wag kayong mag-alala. Wala namang nagaganap sa amin. At kung meron man, hindi para inggitin pa namin kayo. Chos!
But seriously, si Paulo ay hindi namin kahit kelan nakitang nagalit. Kahit gaano siya kapuyat at sunud-sunod ang mga sequences niya ay wala siyang karekla-reklamo.
Ang katwiran ni Paulo, gusto niyang patunayang siya’y isang professional actor. Naaawa rin daw siya sa mga staff na wala namang tent at hindi nakakapagpahinga, kaya might as well, makagagaan sa trabaho nila kung hindi na siya mag-a-attitude sa set.
“Maliit lang naman ang suweldo ng mga staff kumpara sa sweldo na-ming mga artista. Kaming mga artista, ‘pag wala pang eksena, puwedeng magpahinga. Sila, dire-diretso lang ang trabaho.”
Actually, very true ang sinabi ni Paulo. Sana, lahat ng artista, gano’n ang attitude, ‘no? Pero siyempre, meron namang artista talaga na umiinit ang ulo, dahil “palpak” ang staff, kaya hindi mo rin sila masisisi.
Samantala, live na live na mapapanood na aawitin ni Paulo ang anim na cuts sa kanyang album sa Sunday, October 7 sa Sky Dome (SM North Edsa), kaya magkakaroon na rin ng chance ang mga fans na mayakap, mapiktyuran at makapagpa-autograph kay Paulo.
HINDI NAMIN alam kung ipinagmamalaki ni Boom Labrusca na wala pa siyang gay experience in real life o nire-regret niya. “Pero dito sa ‘Dyagwar’, first time kong mahalay ng bading, mama, huh!”
Pa’no kasi, me eksenang bina-blackmail siya (bilang gwardya) ng landlady ng amo niyang bading (si Chiokla Gaston), na kung hindi siya bibigay ay tiyak na mawawalan siya ng trabaho.
Nakakita na ba kayo ng lalaking umiiyak habang pinaparausan siya ng bading?
“Hindi ko talaga alam ‘yung mararamdaman that time kasi nga wala pa nga akong gay experience, eh. Pero tumutulo na lang ang luha ko, pati pawis sa katawan ko, habang gumagapang na pababa si Chiokla, eh!”
Hahaha! Panoorin ang nakaka-tense na tagpong ito sa Dyagwar in selected SM Cinemas (Megamall, SouthMall, North Edsa, Manila, Sta. Mesa, Marikina, Fairview, Bacoor, Iloilo at Cebu) ngayong Oct. 3!
Kasama rin sina Eric Fructuoso, RR Enriquez, Arran Sese, Marissa Sanchez, Alex Caleja, Tado, Joe Black, April Sun, Jed Montero, Paolo Serrano at Jobert Austria sa Dyagwar na binigyan ng R-13 ng MTRCB.
Oh My G!
by Ogie Diaz