AMINADO SI Paulo Avelino na noong panahon na nagtataray siya sa press, ang mundo niya ay puno ng alinlangan.
Problemado siya (lalo na sa kanyang lovelife with LJ Reyes kung saan may anak silang five years old). Panahon ‘yun na gusto niyang ilihim or i-deny ang anak niya na kasing edad din ni Honesto (he plays father ng batang matapat).
Pero aminado si Paulo na nakatulong sa kanyang ang role bilang ama ni Honesto para maintindihan ang kalahatan ng kung ano mang sitwasyon niya ngayon.
Aminado na si Paulo (na dati super deny siya) na split na sila ni LJ and he is dating again (a non-showbiz girl) na nagpapangiti sa puso niya.
No wonder, mukhang tanungin mo man siya nang medyo personal (about his child and ex-girlfriend), able and willing na rin niyang isine-share kahit gusto niyang maging super private ang buhay niya (na hindi talaga maiiwasan) kahit nasa showbiz siya.
LAST FRIDAY early morning, doon sa Basilica ng Quiapo kinunan ang wedding scene nina Coco Martin at Erich Gonzales na kinagabihan ay ipinalabas naman para sa last episode ng Juan dela Cruz.
Ang hirap pala nu’ng shoot, edit, broadcast in a few hours na sistema ng pagte-taping. Bukod sa ngarag ka na at tensyon pa kung matatapos mo ang mga eksena na kadalasan sa hindi, ang daming aberya sa ganu’ng mga television production na hindi batid ng televiewers.
That Friday early morning nang datnan namin ang Quiapo, wala na ang mga bida pero nandu’n ang mga extra na gumaganap bilang wedding guests sa eksena.
After kunan ang wedding scene, itinakbo kaagad ang tape para i-edit, i-cure at i-scroe (lagyan ng music or background), ang last episode noong Biyernes.
Ang maganda sa JDC, nag-iwan ito ng tatak sa mga batang manonood. Naging idol nila ang Kuya Juan na isang mapagmahal, masunurin na binata at tagapagtanggol ng mga maliliit at naaapi laban sa mga masasama.
Isang magandang advocacy para sa ABS-CBN at sa DreamScape Production and Creative team, masaya sila dahil nakapag-impart sila ng magagandang values para sa mga manonood, lalo na sa mga bata.
Pero tulad ng pangako ng Kapamilya Network, hindi naman agad mami-miss ng mga bata si Kuya Juan nila, dahil naririyan naman si Honesto. Ang batang tapat, mabait na magiging huwaran din nila sa nalalapit na panahon.
AMINADO SI Cesar Evangelista, director ng kontrobersiyal na Cinemalaya 2013 entry na Amor y Muerte (Love and Death) na kokonti lang ang nanood sa special uncut version screening ng pelikula niya last Friday sa UP Film Institute.
But what makes Cesar happy ay sa magagandang review ng women’s group sa pelikula niya na sabi ng iba ay “bastos”.
Maging ang street parliament na si Princess Nemenzo of FDC (Freedom from Debt Coalition) kasama ang mga kaibigan niyang mga aktibista ay nagustuhan ang obra niya. “I don’t find it bastos,” pagre-review niya ayon sa kuwento ni Arman Reyes, the film’s assistant director sa reaction ni Ms. Nemenzo.
Dahil sa personal na nagandahan ito, malamang bukas, Tuesday (2nd screening ng pelikula sa UPFI), baka maisama niya ang kaibigang madre na si Sister Mary John Mananzan, OSB na isang Women’s Right Advocate at Co-Founder and Chairperson ng Gabriela at iba’t ibang mga NGO na pangkababaihan.
I just don’t know kung ano ang naging reaksyon ni Ms. Nemenzo sa eksena ni Markki Stroem (ka-love scene si Althea Vega) na pantasya ng mga beki ang kabuunan ng sexy hunk sa pelikula.
Reyted K
By RK VillaCorta