SA TOTOO lang, akala ng marami, mas priority ni Laguna Gov. ER Ejercito ang paggawa niya ng pelikula kaysa ang maglingkod sa kanyang constituent bilang Punong Panlalawigan ng Laguna, pero marami ang nagkakamali.
Sa hindi mga nakaaalam, priority ni Gov. ER ang kanyang paglilingkod sa kanyang mga kinasasakupan kahit sabihin pa na may deadline na ang lahat ng MMFF 2013 entries na kailangang isumite kay MMDA Chairman Tolentino.
Tulad na lang sa nangyari last Monday na dapat ay may press visit ang ilang invited press people sa fishport sa Malabon, kung saan doon kukunan ang isang mahalagang eksena nila ni KC Concepcion.
Pero nag beg-off si Gov. ER sa kanyang production manager na no shooting tuwing Lunes, gayong Governor’s Day ito para sa kanyang mga kababayan.
Maaga pa lang ay nasa kapitolyo na siya para humarap, makinig at makausap ang mga taga-Laguna na lumalapit sa kanya.
Sabi ng kaibigang Jobert Sucaldito, publicist sa showbiz ni Gov. ER, “Nawala sa isip ko na Monday pala ‘yong invitation ko. Kaya ‘yong mga eksena niya sa pelikulang Shoot to Kill: Boy Golden na nag-shooting last Monday, wala siya sa sequence break-down.”
Wala kasing kasiguraduhan kung anong oras natatapos ang kanyang pakikipag-usap sa kanyang mga kababayan. There are times na inaabot pa ng madaling-araw ng Martes ang kahuli-hulihang bisita na hinaharap niya.
Naalala ko, sabi ni Gov. ER noon, “Mas priority ko ang paglilingkod ko sa Laguna kaysa sa showbiz,” na palagi niyang sinasabi sa mga interview.
Ngayon na may deadline na ang mga MMFF entires na kailangan i-beat, we just hope matapos na kaagad ni Direk Chito Roño ang pelikula nang walang aberya.
I’m sure inggit siguro si Paulo Avelino kay Gov. ER. Sa pelikulang Shoot to Kill: Boy Golden, may kissing scene si KC Concepcion sa kanyang leading man.
Sa mga nakapanood ng shooting, may pagka-passionate daw ang eksena. Kaya malamang, si Paulo na isa sa natsi-tsismis na manliligaw ni KC ngayon, dapat nga mainggit kay Gov., dahil mas naunahan pa siyang madampian ang labi ng dalaga.
Reyted K
By RK VillaCorta