SINO BA ANG hindi nakakakilala kay Steve Jobs? Itinuturing siyang genius, dahil siya ang dahilan kumbakit merong Apple computer. Siya’y dinapuan ng cancer sa pancreas at namatay kamakailan lang sa edad na 56.
At kelan lang, nabalitaan na-ming meron palang sikreto itong si Steve Jobs. Siya pala nu’ng araw ay nagkaroon ng “fling” na Pinay at nagkaanak sila ng lalaki. At ngayon nga ay isa na itong ganap na binata.
Ang nakakatuwa pa raw rito, ang Pinay na ina ang nasunod sa pangalan at pumayag din daw si Steve Jobs na ibigay ang apelyido sa bata. Pinoy na Pinoy ang pangalan ng bata – Pablo.
Nu’ng una ay na-ngiti kami, dahil ang suwerte naman ng mag-ina kung totoo man ito. Imagine, ‘yung pa-ngalan pa lang, magkano na ang net worth. Eh, ‘yung mamanahin pa ng bata bilang siya ang Pinoy na anak ni Steve Jobs, ‘di ba?
Hanggang sa ‘yung ngiting ‘yon sa aming mukha ay napalitan nang malakas na tawa, bungisngis at pagsakit ng tiyan sa katatawa. ‘Tangna, joke lang pala ‘yon.
ISA NANG BALIK-KAPAMILYA si Richard Gomez. Nakita namin siya a couple of days ago sa dressing room nina John Estrada, Rico Puno at Randy Santiago bago magsimula ang Happy, Yipee, Yehey!
Kung babasahin namin ang mukha ni Goma, sobrang excited siya sa kanyang pagtuntong sa ABS-CBN. At ang nakakatuwa pa du’n ay ang pag-welcome sa kanya ng mga kaibigan niyang artista sa ABS-CBN.
Pumirma na nga ng kontrata si Goma at nakatakda niyang gawin ang teleserye nila ng dating girlfriend at ka-loveteam na si Dawn Zulueta. ‘Wag n’yo nang itanong kung nagseselos si Congw. Lucy Torres, dahil hindi.
Anyway, pagyakap nga namin kay Goma bilang mainit na pag-welcome back sa kanya ay isa lang ang naidayalog namin, “Welcome back, Goms! Ikaw naman talaga ang original na Kapamilya, eh!” napangiti si Goma.
Naman!
Ayan, bigla tuloy naming na-miss ang kanyang manager at mentor din namin sa telebisyon na si Tito Douglas Quijano. Alam naming happy siya para sa kanyang mga alaga.
NAPANOOD NAMIN SINA KC Concepcion at Paulo Avelino sa MMK last Saturday at in fairness, hindi sila tao, hindi rin sila hayop – bagay sila, huh!
Ang gandang taga-barrio ni KC in fairness. Kahit si Paulo ay love na love siya ng kamera. Mahusay ring magpatulo ng luha itong si Paulo, in fairness, huh! Kaso, hindi pa bumabagsak ang luha ni KC, inunahan na niya. Hehehe.
Pero feeling namin, hindi pagsisisihan ni Paulo na siya’y naging Kapamilya, dahil tingnan niya naman, huh! Ang daming talents ng ABS-CBN na noon pa nangangarap na mag-shine, pero siya ‘yung masuwerteng na-bigyan ng bonggang break!
PUWEDE N’YO NA po kaming mapanood sa Facebook araw-araw (Lunes-Biyernes, 4-5:30pm). Mga balitang showbiz at kung anu-ano pang kagagahan na magpapagaan ng inyong araw ang ibibigay namin.
Alam naming kahit ano, puwedeng sabihin sa internet, kahit nga pagmumura o pang-iinsulto ng kapwa, puwede, eh. Kaso, siyempre, hindi na kami gano’n. Level-up na ang drama namin ni kasamang Rommel Placente.
Fun, fun, fun at love, love, love lang ang ihahatid sa inyo ng www.facebook.com/vibestayo. Paki-like na rin po ang fanpage na ito ng mga mahihilig sa tsismis para po live n’yong mapanood ang updates sa inyong favorite artistas.
Oh My G!
by Ogie Diaz