PAY BACK TIME: Coco Martin, nagpasalamat sa mga kawal ng bayan

Coco Martin

NAKAKATUWA isipin na ang tulad ni Coco Martin at ang cast ng long-running aksyonserye na FPJ’s Ang Probinsyano (napapanoopd pagkatapos ng TV Patrol), ay naglaan ng kanilang panahon para sa mga sugatang sundalo natin na nakipagtunggali sa mga kaaway para proteksyunan ang mga Pilipino. 

Mula sa giyera sa Marawi at ibang pang lugar sa Pilipinas, si Coco mismo ang naging driving force na bigyan ng kasiyahan at tulong ang mga biktima ng mga tunggalian sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
 
Naganap ang pasasalamat at gift-giving ni Coco kasama ang mga artista ng FPJ’s Ang Probinsyano kahapon (3:00-5:00 PM), sa AFP Medical Center located sa V. Luna Rd. in Quezon City.
ABS-CBN Executives Cory Vidanes, Carlo Katigbak, Laurenti Dyogi and Deo Edrinal

Based sa kuwento sa amin ni Eric John Salut ng Dreamscape Entertainment, ang in-house production ng ABS-CBN na producer ng show, naging happy ang mga sundalong sugatan (at nagpapagaling) sa ginawa ng aktor at mga kasamahan nila mula sa aksyonserye.

 
“It’s pay-back time” kuwento ni Coco sa isang taga-produksyon na dahil sa karakter niyang pulis (as Cardo Dalisay), madami ang nakaka-identify sa karakter niya lalo na ang bata at nanay na gusto nila na maging isang “Cardo Dalisay” pagdating ng panahon at kung may pagkakataon ang mga anak nila.
Ejay Falcon & Yam Concepcion

Positibo kasi si Cardo sa ginagampanan niyang role as pulis na sa panahon ngayon, madami sa taumbayan ang hindi na pinagkakatiwalaan ang mga pulis.

With Coco’s role na isang positibong pulis, aminin man o hindi ng kapulisan,  malaki ang naitutulong sa imahe nila  sa karakter ng isang Cardo Dalisay.
 
Congratulations Coco and the cast of FPJ’s Ang Probinsyano sa charitable acts na ginawa nila kahapon (Thursday).

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleABS-CBN’S DZMM RADIO: Mga bagong programa na tutulong sa mga Pinoy!
Next articleWALANG ‘SEFMAINE’: Sef Cadayona, umalma na sa malisyosong intriga sa kanila ni Maine Mendoza!

No posts to display