Payo kay Donaire

IPINAGBUNYI NG buong bansa ang tagumpay kamakailan ni world bantam boxing champion Nonito Donaire. Minsan pa nalagay ang bansa sa paningin at atensyon ng buong mundo.

Bilang isang fan, may ilang payo akong gustong ipaabot kay Donaire.

• Huwag na huwag kang lalahok sa pulitika. Pa-ngalagaan ang propesyon mo at manatiling mapagkumbaba at lapat ang paa sa lupa;

• Huwag mo ring patatakbuhin ang maybahay o sinumang kamag-anak mo sa pulitika. Ikayayamot ng mga fans mo ‘yun;

• Huwag kang sasawsaw sa kung anu-anong bagay gaya ng pagiging Bible teacher, peace negotiator o TV host;

• Huwag kang palululong sa ano mang bisyo gaya ng sabong, poker at iba pang sugal;

• Huwag mo pangangalandakan ang iyong kayamanan kung gusto mo mang bumili ng ilang mansion, yate, mamahaling alahas, damit at bags;

• Tumulong ka sa komunidad, maliliit at dukha at ito’y iyong ilihim;

• Maging tapat at mapagmahal ka sa iyong maybahay at unahin ang Diyos, pamilya kasama ang iyong propesyon.

Una kong nakilala si Donaire nu’ng Nob. 2011 sa bahay ni dating Pangulong Erap sa Greenhills, San Juan. Pormal niyang inimbita ang dating Pa-ngulo bilang ninong sa kanyang kasal sa susunod na buwan. Para pang nahihiyang kinamayan ako at ngumiti nang matamis. Ganon din ang kanyang magiging maybahay.

Sa isang masarap na tanghalian, nagtapos ang kanyang bisita. Nagdagsaan ang mga driver at katulong sa bahay para kumuha ng autograph at palitrato sa kanya na buong kasiyahan niyang pinaunlakan.

Sa kanyang mukha mamamalas mo ang kanyang mapagkumbaba. ‘Di katulad ng isang kilala nating boxing tsampyon na labis nang lumaki ang ulo sa pagkapalalo gayong galing din siya sa pusali.

Sa aking aklat, si Donaire ang tunay na tsam-pyon na dapat nating mahalin at ipagmalaki.

SAMUT-SAMOT

 

AYON SA World Health Organization (WHO), mahigit 10 milyong bata ang malnourished sa bansa. Ibig sabihin, mga apektadong bata ay salat sa wastong pagkain at health care para sa kanilang ikalulusog. Nakababalisa ang balita. May suspetsa kami na higit pa rito ang numero. Kailangang umaksyon ang pamahalaan at DOH. ‘Pag ‘di ito nalunasan, ibig sabihin ang susunod na henerasyon ng mga bata ay payat at sakitin na liability sa pamahalaan at ‘di makatutulong sa national productivity.

MABUTI NA binalewala ng pamahalaan at MILF ang mga pananakot ni Nur Misuari at MNLF. Sa wikang Ingles, si Misuari ay “spent force” already at wala nang katiting na kredibilidad. Bilyon-bilyong cash advances sa ARMM nu’ng pamumuno ni Misuari ang ngayon ‘di pa malaman kung saan napunta. Walang accomplishments ang ARMM, imbes lumubha pa ang kahirapan dito dahil sa sukdulang corruption ng mga leader. Tama, huwag nang pansinin at kung may kabalbalang gagawin, enforce the law.

KUNG SI dating Pangulong GMA ay seriously sick, bakit pa siya tatakbo ng re-eleksyon sa kanyang distrito? Katakut-takot ang ginagawang paikot sa atin. Wika ni Atty. Raul Lambino, spokesperson, “’Di matanggihan ni GMA ang tawag ng paglilingkod kahit ito’y kanyang ikamatay.” Naks, naman! Kinekenkoy mo kami. Mahalaga ang kanyang kalusugan at buhay. Matagal na siyang palpak na naglingkod sa bahay. At tingnan mo ang napala niya. Ay, Lambino, maghulos-dili ka!

PBA GREAT Abet Guidaben who had a serious ailment called Myasthenia Grave suffered a stroke in the U.S. and confined in ICU. Before falling ill, Guidaben, a two-time MVP awardee, was actively participating in benefit basketball events staged by the PBA Legends USA Foundation. Guidaben was among the PBA 25 Greatest Players honored during the league’s silver anniversary in 2000. He just turned 60.

ILANG SIYUDAD sa Metro Manila na uncontested ang incumbent mayors: Quezon City, Makati at Pasig. Endorsement ito ng magandang palakad ng mayors sa kanilang siyudad. Sa Manila, magkakaharap si Mayor Fred Lim at dating Pangulong Erap. Kung babasehan ang surveys, run-away ang Erap-Isko tandem. Pagod at sawa na ang mga Manileño sa pamamalakad ni Lim. Ang siyudad ay natapon sa kangkungan at lubluban ng kalabaw. Nagdala ng pag-asa si Erap-Isko.

PINAGTIBAY NI Pangulong P-Noy ang kanyang matibay na tiwala kay DFA Sec. Albert del Rosario sabay wika, “from now on, no more back channeling.” Ayon kami rito sapagkat si Del Rosario ang hardest working cabinet member. Bukod pa rito, wala pang puwedeng kwalipikadong pumalit sa kanya. Salamat natauhan din si P-Noy sa ginawa niyang back channeling efforts sa isyu sa Spratleys. Admisyon ito ng kamalian niya sa paggamit kay Sen. Antonio Trillanes IV. This demonstrates that the President is fast maturing in his decisions.

MAY MGA pananaw na paubos na ang mabu-ting kapalaran ni boxing champ Manny Pacquiao. Ang nagbadya nito ay ang malinaw na pagkatalo niya kay Timothy Bradley. Kahit ano pa ang kanyang paliwanag, talagang talo siya. Ang laban niya kay Manuel Marquez sa Disyembre ay nasa balag ng alinlangan pa rin. Ang odds ay mas sa kanya. ‘Di pinahalagahan ni Manny ang mga grasyang ipinagkaloob sa kanya. Nawala ang kanyang pagpapakumbaba at kung anu-anong bagay ang pinasok at sinawsawan. May balak pa diumanong tumakbo bilang pangalawang pangu-

lo sa 2016. Ang maybahay, Jinky, ay tatakbong vice-governor sa 2013. May isang kapatid pang sasabak bilang alkalde. Ano na bang sumuot sa kanyang kukote?

ILANG TULOG na lang Pasko na! Kaya walang tulugan. Ito ang pinakamimithi nating okasyon sa loob ng isang taon. Panahon ng pasasalamat, pami-migay at pagpapatawad. Ang malamig na simoy ng hangin ang tuwa sa ating dibdib ay mensahe ng banal na Pasko!

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous article Super love ang boyfriend
Bea Alonzo, masuwerte kay Zanjoe Marudo!
Next articleCopnappers!

No posts to display