NAAALALA N’YO pa ba si Sarah Balabagan? Siya ‘yung 14-anyos na bata na noong 1993 ay nabiktima ng illegal recruitment at napadpad sa United Arab Emirates. Doo’y dinanas niya ang lahat ng hirap hanggang sa pagtangkaan siyang gahasain ng kanyang amo. Habang pilit siyang pinagsasamantalahan ng kanyang amo, naagaw niya ang panaksak nito at nasaksak at napatay niya ang kanyang amo. Dahil dito ay nasentensiyahan siya ng kamatayan at pupugutan na sana siya ng ulo nang tulungan siya ng ating pamahalaan at naging dalawang taong pagkabilanggo na lang ang kanyang naging parusa. Dagdag pa rito, pinatawan pa siya ng 200 hagupit ng yantok sa likod niya na hanggang sa ngayon ay nag-iwan ng marka.
Nang siya ay lumaya ay naging tagapagbandila siya ng mga karapatan ng mga OFW.
Ngayo’y may payo siya para sa mga nagbabalak mag-abroad. Wika niya, sana ay huwag nang pumasok bilang domestic worker ang mga kababayan natin lalo na sa Middle East. Ayon sa kanya, hanggang ngayon ay ‘di nagbabago ang aping kalagayan ng mga kababayan natin sa mga bansa sa rehiyong ito. Araw-araw ang problemang natatanggap natin mula sa mga DH sa Middle East. Aniya, mabuti pang mag-aral ng ibang skills o kasananyan ang mga nagnanais magtrabaho sa mga bansang ito.
LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo