Isa si Secretary Martin Andanar sa mga taga-telebisyon na hindi mo itatapon ang kahit anong anggulo niya kapag iniinterbyu siya ng kapwa media na dating kasamahan sa news department. Guwapo kasi. ‘Yun nga lang, tipong nagiging healthy siya mula nang sumama sa kuwadra ni President Digong Duterte nang manalo ito.
Si Sec. Martin, dating news personality ng TV5, na nang mag-decide si Duterte na tumakbo bilang presidente at manalo, tinangap ni Sec. Martin ang role bilang Presidential Secretary for Communications and Operations.
Biro nga sa kanya ng kasamahang entertainment writers nang makipag-late lunch siya sa amin recently, he looks like Alden Richards. Ang “Bae ng Bayan” ay nakikita sa katauhan ni Sec. Martin. Isa siya sa mga guwaping noon pa man sa news department. With his dimples, biro nga ng iba, makalaglag-panty si Sec. Martin.
Napangingiti lang siya sa kantiyaw ng entertainment press, na bago pa man siya nahirang as secretary sa posisyon niya ngayon, marami na siyang mga kaibigan sa hanay namin. Sa katunayan, nanalo nga siya sa PMPC Star Awards for Television a couple of years ago.
Pero seriously speaking, look-a-like man siya si Alden or not, alam niya ang kanyang trabaho. Siya ang spokesperson ni Digong at sa abot ng kakayahan niya, ipagtatanggol niya at poprotektahan niya ang presidente.
Noong hapong ‘yun, nauudlot ang tsikahan niya sa entertainment press. Ang daming tawag sa kanyang cellphone na nauudlot tuloy ang momentum ng Question and Answer niya with entertainment reporters.
Kuwento niya na next year, malapit na ang pagbabago sa government broadcast network.
Sa pagpasok ng BBC News ng London, magkakaroon ng consultation ito sa current administration ng PTV 4, PIA, Radyo ng Bayan, PNA, PPO, at kung anu-ano pang opisina ng gobyerno na kailangan na ring mabago at i-upgrade at i-level up.
Sabi ko kay Sec. Martin na minsan sa pakikinig ko sa Radyo ng Bayan, kung gaano kaluma ang mga equipments ng naturang government radio station, ganu’n na rin katanda ang konsepto ng radio broadcasting na alam ng mga naka-board sa programa.
I told Sec. Martin na ang government stations ng ibang bansa like Japan (NHK), USA (PBS), China (CCTV), etc., ang mga programa nila para sa publiko ay kapaki-pakinabang. In short, very helpful ang mga development communication shows nila na kahit hindi ka isang Chinese or Japanese ay magkai-interest ka sa kanilang mga palabas na very interesting at maganda ang pagkagawa.
“I will try to discuss your idea and concern,” sabi ni Sec. Martin sa amin.
Sa pagbabago na magaganap sa PTV 4, pati pangalan ay kasama sa babaguhin, “It will be known as PBC (People’s Broadcasting Corporation).”
Last question namin kay Sec. Martin, wala ba siyang magagawa para patigilin ang starlet na si Mocha Uson ng sexy group na Mocha Girls sa pang-aagaw-eksena nito sa social media na pati mga pro-Duterte ay nate-turn off na sa mga pinaggagagawa niya?
Sagot ni Sec. Martin sa amin, “It’s a free space. Freedom of expression ‘yan. Everyone has the right to share his or her opinion (sa social media). My concern is to protect the President.”
‘Yun na. Getz ko na, Sec. Martin at ngumiti lang siya na prominent na naman ang mga dimples niya tulad kay Alden.
Yes, si Sec. Martin, siya ang ‘Bae ng Malacañang. Cutie kasi, kahit iritado ako sa pinaggagagawa ng Bosing niya.
Reyted K
By RK VillaCorta