NATATAN-DAAN KO po na sinabi ng DFA na kaya nag-iisyu sila ngayon ng e-passport ay para mapigilan ang pagpepeke sa pasaporte ng Pilipinas at para masugpo ang human trafficking. Bakit hanggang ngayo’y laganap pa rin ang human trafficking? — Guillen ng San Mateo, Rizal
AYON SA mga pagsisiyasat na isinagawa na ng mga awtoridad, ang mga nagi-ging biktima ng human trafficking ay gumagamit ng mga genuine o tunay na pasaporte. Sa madaling salita, ang passport mismo ay tunay na inisyu ng DFA at Bangko Sentral ng Pilipinas. Ang peke ay ang mga entry sa pasaporte.
Halimbawa, ang litrato na nasa pasaporte ay totoong larawan ng aplikante. Pero peke ang mga pangalan, edad, atbp. na nakasaaad sa pasaporte. Ang pangalan at kapanganakan ng ibang tao (na kadalasan ay mga patay na) ang nakasulat sa pasaporte. Maaaring peke ang lahat ng impormasyon at ang totoo lang ay ang litrato. Kaya mahirap mahuli ito.
Nakababagabag din ang balita na depektibo ang pagkakaimprenta at pagkakagawa ng pasaporte. Madali raw itong masira at mabaklas. Inamin ito mismo ng DFA. At nakahanda raw silang palitan ang mga naisyu nang depektibong e-passport. Paano ‘yan, magbabayad ba uli ang mga aplikante para sa mga nireremedyuhang pasaporte?
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo