NAPANOOD MO na ba ang Heneral Luna? Kung hindi pa ay huwag nang magpahuli sa pinag-uusapang movie ngayong taon. Ang movie na Heneral Luna ay directed by Jerrold Tarog at produced by Artikulo Uno Production, at ang mga cast nito ay kabilang sina John Arcilla bilang Heneral Luna, Paulo Avelino bilang Gregorio del Pilar, Aaron Villaflor bilang Joven Hemondo, Mon Confiado bilang President Emilio Aguinaldo, Epi Quizon bilang Apolinario Mabini, at marami pang ibang pangunahing karakter sa pelikula na ito. Ang movie na ito ay isang 2015 Filipino Historical Biopic Film na ipinakikita ang pagiging isang magaling na heneral ni Heneral Luna sa Philippine Revolutionary Army noong Philippine-American War.
Si Antonio Luna de San Pedro y Navicio Ancheta o Antonio Luna ay ipinanganak noong Oktubre 29, 1866 at namatay noong Hunyo 5, 1899. Siya ay isang Ilocano, at siya ang Filipino General na lumaban sa Philippine-American war, at siya rin ang founder ng Philippines’ first Military Academy noong 1st Philippine Republic.
Ang pelikulang Heneral Luna ay napili bilang official entry ng ating bansa sa Oscars 2016 sa category na Best Foreign Language Film. Ikinatuwa lahat ng bumuo nito lalo na ni Director Jerrold Tarog. Ang bawat pagod, puyat, at iba pa ay naging worth it talaga lalo na, dahil ang ang pelikula na ito ay naging usapin sa social media at iba pa at umani ng maraming positive feedbacks. Director Jerrold Tarog is hoping para sa movie na ito na maging kauna-unahang Filipino film to be nominated para sa Best Foreign Language Film category sa Oscars 2016. Sa pagkapili sa movie na ito para sa category sa Oscars ay isang malaking karangalan para kay Director Jerrold Tarog. Sa mga reviews sa movie na ito, ayon kay Ms. Sylvia L. Mayuga, ang movie ay hindi lang isang masterpiece, ito rin ay isang napakagandang gift para sa 0nation at lalo na dahil ang ganda ng kuwento, at maraming aral dahil ito ay tungkol sa history.
Ang Heneral Luna ay umani ng popularidad at viewership dito sa ating bansa lalo na sa social media at simpleng word of mouth na talagang pinag-usapan ng bawat viewers dahil napakaganda ng movie. Umani ng maraming positive feedback, magagandang komento mula sa mamamayan dahil ang ganda ng movie, napakagaling ng mga gumanap, at sa pelikula na ito ay nandito na ang action, may halong comedy, at ang maganda sa lahat ay may aral na makukuha ang bawat manonood ng pelikulang ito dahil naging parte ito ng history ng Pilipinas.
Ang pelikula na ito ay one of the most expensive Filipino epic historical films to be released in the history na may estimated budget na P80 million. Ang binadyet nila para rito ay talaga namang worth it, hindi masasayang dahil napakaganda ng kinalabasan at ikinatuwa at hinangaan ng marami dahil ang Heneral Luna ay nangibabaw sa puso ng mamamayang Filipino na may magandang aral.
Ikaw, napanood mo na ba? Kung hindi pa, tara na at panoorin na at suportahan ang pinag-uusapang movie ngayong taon, at ang official entry para sa Oscars 2016, ang Heneral Luna.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo