MUNTIK NA palang hindi matapos ang pelikulang pinagsamahan ng Padilla clan sa pangunguna ni Robin Padilla, Daniel Padilla, Mariel Rodriquez, at Kylie Padilla na Sa Ngalan Ng Ama, Ina At Mga Anak.
Ayon kay Robin, sa laki ng gastos at pagkakasama ni Aljur Abrenica sa movie kaya gusto na niyang ipatigil ang shooting ng movie.
Salamat na lang kay Rommel Padilla, kuya ni Robi,n na siyang nagpursige at nakikipag-usap kay Binoe na dapat ituloy ang kanilang movie.
Dahil na rin sa tulong ng Star Cinema kaya natapos din ang kabuuan ng pelikula na tumagal ng two and half years.
Istorya ng pamilya na ipinaglalaban ang karapatan at pagmamahal sa kapwa at Diyos ang tema movie taliwas sa mga naglabasan na istorya raw ito ng Kuratong Baleleng ni Panfilo Lacson.
Ayon kay Robin, hindi raw ito ang kuwentong nangyari noon na Kuratong Baleleng dahil istorya raw ito ng isang bayani o puwedeng sabibin Robin Hood sa isang parte ng lugar sa ‘Pinas na nakipaglaban sa mga rebelde.
Kapag napanood daw ang kabuuan ng pelikula, madadama mo ang pagmamahal sa pamilya, kapwa, bayan, at Diyos.
Base na rin sa trailer, masasabing maganda ang movie na punung-puno ng action, drama, comedy at pagmamahalan ng isang pamilya.
Kasama rin sa movie ang tatlong anak ni Rommel na sina RJ,Matt at Daniel with Bela Padilla, Christopher de Leon, at iba pa.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo