Seventeen years ago na pala ‘yun. Ang tagal na din pala nawala sa harap ng kamera ni Ms. Charo Santos.
What I mean ay ang pag-arte niya sa harap ng kamera na halos dalawang dekada (17 years ago) rin mula noong huli siyang umarte sa pelikulang “Esperanza” na super hit sa telebisyon noon na ginawang pelikula ng Star Cinema.
Huwag nating bilangin ang every Saturday night show ni Ms. Charo na “MMK”, kung saan siya ang tagapagsalaysay sa mga kuwento ng buhay ng mga sumusulat sa kanya.
Sa madaling-araw, palagi kong napanonood ang pelikulang “Itim” ni Mike de Leon na nagbigay sa kanya ng Best Actress Award sa Asian Film Festival in 1997.
Kaya nga after ng trabaho niya as ABS-CBN President and CEO and now Chief Content Officer, sa isang kaswal na tsikahan niya with Direk Lav Diaz sa isang pa-dinner ng Kapamilya Network sa dalawang mga artista nila na kabilang sa obra ni Direk Lav na sina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual na kasama sa pelikulang “Hele sa Hiwagang Hapis”, doon nagsimula ang pagbubuo ng pagbabalik sa pag-arte ni Ms. Charo sa wide screen.
Ang bilis ng pagbubuo ng project ayon sa kuwento ni Ms. Charo. Nang i-offer ni Direk Lav ang pelikulang “Ang Babeng Humayo” na showing na sa Wednesday, September 28, agad-agad tinangap ni Ms. Charo ang project. Ang gusto ni Direk Lav, si Ms. Charo ang gumanap sa role ni Horacia na nakulong na sa kanyang paglaya ay maghihiganti.
Ganu’n ang tiwala ng aktres sa kanyang director. Three to four days after na mag-confirm ang aktres sa project, nakatangap kaagad thru email si Ms. Charo ng kanyang script sa pelikula.
Pagbabalik-tanaw ni Ms. Charo nang ikumpara niya ang paggawa ng pelikula noon (17 years ago) at sa kasalukuyan, mas mabilis, mas efficient diumano paggawa ng isang proyekto.
Sa pelikula, kasama ng aktres si John Lloyd Cruz na for the first time ay gumanap bilang isang tranny (bakla na nagbibihis babae) na sa full trailer na napanood namin, parehong intriguing ang role nilang dalawa.
Suwerte nga na after 17 years na hindi niya pag-arte, ang film project ni Ms. Charo ay siyang nanalo ng Golden Lion Award (Best Film) sa nakaraang 73rd Venice Film Festival na produced ng Cinema One Originals at Sine Olivia Pilipinas (ni Direk Lav na ipinangalan niya sa kapatid na namatay sa aksidente) at distributed ng Star Cinema ay nagbigay-parangal at papuri hindi lang sa pelikula at sa cast and production staff, kundi parangal na rin sa local film industry at sa bansang Pilipinas.
Hindi naman nakadalo si Lloydie sa grand presscon yesterdaym dahil nandoon siya sa San Sebastian Film Festival sa Spain para sa pelikula niyang “Hele sa Hiwagang Hapis”.
Pero sa totoo lang, nagtataka lang ako kung bakit hindi itong “Ang Babaeng Humayo” ang napili ng Film Academy of the Philippines (FAP) para maging official entry ng Pilipinas sa Oscars para sa Best Foreign Language Film category gayong nanalo na ito as Best Film sa prestigious Venice Film Festival kumpara sa “Ma’Rosa” ni Brillante Mendoza, gayong Best Actress category sa Cannes Film Festival lang ang napanalunan ng pelikula na nag-uwi ng parangal kay Jaclyn Jose.
May pulitika ba na kaganapan?
Reyted K
By RK VillaCorta