Nagtataka lang ako kung bakit kulelat sa takilya ang pelikula nina Nora Aunor at Ricky Davao na “Kabisera”. Pangit ba? O baka napuyat siguro ang mga fans niya kaya sa first day of showing ay deadma sila (as expected) sa paghihintay ng Noche Buena noong bisperas ng Pasko.
Nasaan ang mga Noranians?
Tatlong bagay lang daw ‘yan sabi ng isang hardcore Noranian writer na kaibigan namin.
“Una, mga tunay na Noranians na supporter pa nila ni Manny de Leon or Tirso Cruz III ay retired at matatanda na. Baka ang iba nga raw ay dead na, ‘teh. ‘Yong ibang Noranians, hanggang tilian na lang at pampagulo sa mga awards nights na ang iingay na wala naman talaga. Ang pangatlong Noranians ay walang datung at hindi kering magbayad ng P250,” sabay tawa ng diehard Noranian reporter na kaibigan.
Sa social media account namin, as expected, ang uri nila (mga Noranian) ay super react pa rin. Nagre-react at nagagalit sa isinusulat naming katotohan, pero hanggang ganu’n na lang. Waley pa rin sila pagkilos para suportahan ang pelikula ng idolo nila.
Sa paborito kong Gateway Cineplex, may isang block screening sila, reason kung bakit sold out ang naturang oras ng pagpapalabas.
After ng nag-iisang block screening, as expected ulit, back to normal, nganga pa rin ang takilya para sa pelikula ni Nora.
Reaction ng isang Vilmanian sa FB posting namin: “Kami (Vilmanians); kapag may movie si Ate Vi nagtutulungan kami. Yong mga fans na walang pambili; ibibili namin sila ng ticket para makatulong sa kikitain ng pelikula at para makapanood din sila.”
Any reactions from the true blooded Noranians?
Reyted K
By RK VillaCorta