NAPANOOD ko ang pelikulang pinag-uusapan ngayon sa social media, ang “Northern Lights: A Journey To Love” last night sa premire night nito sa SM Megamall. Dumalo sa premiere night ang maraming artista ng Kapamilya Network na gustong suporthan ang bida na si Piolo Pascual kasama sina Yen Santos at Raikko Mateo.
All-out ang support ng mga artista like Iza Calzado, Gerald Anderson, Coleen Garcia, Erich Gonzales, Bailey May, at Iñigo Pascual na gustong suportahan ang kanyang ama.
Nagustuhan ko ang pelikula. Bagong approach tungkol sa mga nilalang na naghahanap ng sagot sa kanilang mga tanong.
Touching. May kurot sa puso na maiintindihan mo na kung bakit may naghihiwalay na nauuwi sa galit, sa pangungulila, at paghahanap ng sagot sa mga katanungan. Na sa bandang huli, malalaman mo rin ang kasagutan.
I love the film. Not the usual pang-teleserye drama na napanonood natin sa Kapamilya Network.
Waging-wagi ito sa mga artista ng pelikula. Positibo ang reaksyon ng mga nakapanood.
As expected, magaling pa rin si Papapi na ang rehistro sa big screen ay wala pa ring tatalo. Si Yen naman na first time naming napanood umarte ay magaling pala. Hindi ko kasi nasundan ang TV career niya when she starred sa dalawang teleserye, before dumating ang big break niya sa “Northern Lights”.
Tama ang sabi ni Papapi na maganda ng rehistro sa screen ng bagong aktres, na kung mabibigyan ng maganda break, baka next in line siya sa liga ni Bea Alonzo.
Special mention si Raikko sa superb acting ng bata.
Congrats Papapi, Yen, Raikko, and Direk Dondon Santos. Showing na ang “Northern Lights: A Journey To Love” simula ngayong araw araw in theaters nationwide.