IT’S FINAL! TULOY na ang pagpapalabas ng Panday ni Bong Revilla sa darating na Metro Manila Film Festival this December. Umugong kasi ang bali-balitang malabo na raw maipalabas ang nasabing action-adventure film ng Senador dahil tatakbo nga ito sa darating na eleksiyon. Nilinaw ng action superstar ang issue tungkol dito.
“Ninety nine point nine percent tuloy na ang pagpapalabas ng pelikula namin. Nakipag-usap na kami sa kinauukulan, nagkapaliwanagan, naging maayos naman ang aming usapan. Bago pa lang namin gawin ang Panday, inayos na namin ang dapat ayusin para walang maging problema,” pasimula ni Bong sa solo presscon niya sa Dulcinea, Tomas Morato, Quezon City.
Sa trailer pa lang, makikita mong binusisi, pinagkagastusan nang husto at napakaganda ng pagkaka-direk ni Mac Alejandre. Masasabi naming world class ang quality, puwedeng ihanay sa mga malalaking pelikula ng Hollywood. Naintriga tuloy kami, magkano kaya ang inabot na budget para lumabas na ganu’n kaganda ang pelikulang ipinagmamalaki ni Sen. Bong?
“Ang pagkakaalam ko, nasa P70 million na ang nagagastos namin, hindi pa tapos, nasa post production pa. Binusisi kasing mabuti ni Direk Mac para lalong mapaganda ang visuals nito. Sobrang thankful ako sa GMA Films, all out ang support nila sa akin,” pagmamalaking turan ng action star/politician.
“Nang mapanood namin ang rushes, na-amuse agad kami sa ganda ng Panday. Hindi na namin iniisip kung magkano aabutin ang budget. Ang importante, masiyahan ang manonood kaya ganu’n na lang ang suportang ibinigay namin kay Sen. Bong,” dugtong naman ng taga-GMA Films.
Naikuwento pa ni Sen. Bong na personal siyang nakipag-usap kay Ms. Susan Roces para magbigay-respeto sa yumaong Fernando Poe, Jr. na siyang original na Panday. Maayos ang naging pag-uusap ng dalawa, ibinigay ng magaling na actress ang blessing niya sa action superstar na maisapelikula uli ang obra ni Carlo J. Caparas.
Bago pa i-announce ni Edu Manzano na tatakbo siyang vice-president ni Defense secretary Gilbert Teodoro, una nang inalok kay Bong ang nasabing posisyon. Paliwanag niya, “Gusto kong pasalamatan ang aking mga kapartido sa Lakas- Kampi dahil sa pagkunsidera sa akin bilang isa sa mga pinagpipiliang kandidato sa pagka-bise-presidente. Pagkatapos ng serye ng konsultasyon, naniniwala ako, ang aking mga lider sa iba’t ibang panig ng bansa at ang aking pamilya, na mas epektibo kong mapaglilingkuran ang ating mga kababayan kung ako’y mananatili bilang senador.
“Buong pagpapakumbaba kong hinihiling sa aking mga kapartido na huwag nang ikunsidera ang aking pangalan sa kanilang pinagpipiliang makatambal ni Defense secretary Gilbert Teodoro. Hindi man ako maging kandidato sa pangalawang pangulo, umasa naman kayong pareho tayo ng layunin na maisulong ang kaunlaran at kabutihan ng buong bayan.”
SA DINAMI-RAMI NG talent ng Star Magic, masuwerte sina Wendy Valdez, Joyce So, Jaymee Joaquin, Jay-R Siaboc at John James Uy dahil sila ang napiling endorsers ng The Bar, Apple Vodka. The newest addition to the The Bar’s line of new generation party drinks that are light yet flavorful, perfect for a night out with friends or bonding session at home.
“Light but bursting with fruit flavors which is just so excellent,” say ni Wendy, former PBB housemate. “One taste of Apple Vodka, malalasahan mong masarap and smooth as it goes down,” banat naman ni Jay-R.
“For me, I love the thought that I’m not consuming something that is packed with extra calories from sugar-based mixers or chasers,” wika ni Joyce.
“Whenever I have time, I’ve always liked drinking with buddies. When I let them try it, we ended up partying for hours without being wasted and with no hangover of any sort, which I absolutely loved,” pagmamalaking tsika ni John James.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield