KAMI AY NANINIWALA na kung naka-move on ka na sa isang relasyon, kahit ano pang bato sa ‘yo ng intriga, deadma na ito o ‘di kaya’y tinatawanan mo na lang. ‘Yun ang completely naka-move on na.
Pero halimbawang naisyuhan ka, tapos, pinatulan mo. Nag-react ka. Ipinaliwanag mo ‘yung panig mo. Nagmumukha ka lang defensive. Mas ramdam ‘yung katotohanang meron ka pa ring gusto du’n sa taong iniisyu ka pa rin. Kahit slight na pagkagusto lang.
Dahil kung wala na, sasagot ka pa ba? Tutulu-ngan mo pa bang lumaki ang isyu by way of getting even or fighting with the guy or with his current girlfriend? Hindi na dapat.
Hindi ko naman sinasabing matanda ka na at hayaan mo na ‘yan sa mga bata, pero ang tagal mo na sa industriyang ito, ‘wag mo na lang patulan para hindi na rin lumaki ang isyu. Lalo pang dumadami ang nakiki-join sa isyu, eh.
Ang ending niyan, pati mga kapamilya ng magkabilang kampo, makikisali na rin sa isyu. Iintindihin mo, dahil sino pa ba ang magdadamayan, ‘di ba?
Kaso, ang point lang namin, ang taas na ng estado ng aktres. Dapat sana, ‘wag na niyang patulan. ‘Wag niyang pababain ang level niya.
Dahil kahit ano pang explanation niya, hindi naman lahat, makukuha niyang maniwala sa kanya. Siyempre, kani-kanyang hukbo ng tagahanga ‘yan. Kaya mag-isip siya. Learn the art of deadma.
ALMOST P24M ANG first day gross ng second solo movie ni Vice Ganda, ang The Unkabogable Praybeyt Benjamin. Sa Twitter pa lang, binaha na kami ng mga papuri kay Vice at ‘yung sulit ang kanilang ibinayad sa sinehan at ipinila nang pagkahaba-haba.
‘Yung iba’y nagse-send pa sa Twitter ng picture na kuha sa celfone nila bilang patunay na ang haba talaga ng pila sa iba’t ibang sinehan.
‘Yung kumare nga naming taga-Bohol, pumayag na raw ‘yung sinehan sa kanila na magpasok na lang sa loob ng sinehan sa aisle ng monoblock chairs para lang ma-accommodate ang mga tao.
“Juice ko, ‘Day, malampasan lang ‘yung kinita ng ‘Petrang Kabayo,’ masaya na ‘ko. Sobra-sobrang blessed na ako niyan. At siyempre, hindi lang naman ako ang nagtrabaho. Nandiyan pa ‘yung ibang artistang kasama ko, mga staff and crew at ang mga produ-cers ko, ang Star Cinema at ang Viva Films. At si Direk Wenn Deramas na ang swerte-swerte talaga ng team-up namin!”
Ang bonus ay hindi na masyadong iniisip ni Vice. The mere fact na pinupuri siya sa Twitter at ng ibang nakapanood, sapat na raw na bonus ‘yon.
“Pero mag-e-expect talaga ako ng bonus, ‘Day, ‘no! Prangkahan na ‘to! Dahil alam ko namang bibigyan nila ‘ko. Choosy pa ba? Hahahaha!”
MUKHANG MALAKAS ANG arrive talaga nitong si Paulo Avelino, dahil mapa-screen o personal naming makita, hindi nakakasawa ang mukha. Napaka-fresh at parang ‘pag nginitian ka, mahihiya kang hindi siya balikan ng ngiti rin.
Pero wala naman kaming gusto kay Paulo, ha? Dine-describe lang namin ang kanyang mukha sa inyo. Guwapo na at papalicious pa. Kaya sabi namin sa kanya, hindi siya nagkamali na maging Kapamilya.
Ang alam naman namin ay kasama siya sa Christmas serye ng ABS-CBN at napanood din namin siya sa Maalaala Mo Kaya bilang dyowa ni KC Concepcion. Mahusay magpatulo ng luha. Lalo na kung ita-timing niya.
Anyway, good luck kay Paulo at sana ay manatili siyang mabait at ma-PR.
NAKO, TRUE BA ‘to? Na isang malaganap na reality show na kilala nating lahat ay lilipat na sa ibang istasyon?
Ayon sa aming source, nabili na raw ang rights nito sa Endemol ng isang network para sa kanila na gawin ang reality show na alam naman nating lahat kung saan umeere ito, dahil ilang sikat na artista na ang produkto nito.
Anyway, ayaw naming pangunahan ang lahat. Abangan n’yo na lang kung saang channel. Basta hindi sa Channel V. Chos.
‘WAG N’YO NAMANG kalilimutang i-like sa facebook ang vibes tayo (www.facebook.com/vibestayo), dahil ito na ang pinakabagong teleradyo online namin ng kasamang si Rommel Placente.
You can watch us everyday, 4-5:30pm, maki-chat sa amin at pwede rin kayong magpabati basta naka-online kayo. Salamat po!
Oh My G!
by Ogie Diaz