IBA dating kapag tipong Richard Gomez or Aga Muhlach ang nagbabalik-pelikula.
Si Goma, okey naman ang pagiging aktibo niya nang gumawa ng movie with Sharon Cuneta last year kasabay ng pagiging lingkod bayan niya as Mayor ng Ormoc City.
Sa kaso ni Aga, tila madami ang excited sa pagiging aktibo niya muli at sa mga nilulutong mga projects para sa kanyang acting career mula nang magtambal sila ni Bea Alonzo last year for a Star Cinema movie na First Love na sa Vancouver, Canada pa kinunan.
It made fair sa box-ofice na pinapatuayan pa rin ng aktor na may appeal pa rin siya sa mga tagahanga niya.
But wait until you see Aga’s latest film together with Alice Dixson na produced ng Viva Film shot in Greenland.
Originally with a working title “Greenland”, now, the film title ay pinalitan to “Nuuk” na mas nauna natapos at nabuo bago pa man ang pelikula ni Aga with Bea.
No definite playdate pa as of last week ayon sa misis ng aktor na si Charlene Gonzales na naka-direct message namin sa Instagram.
Sa mensahe ng dating beauty queen-celebrity host: “I know they have plans to show it internationally and join some international film festivals before showing it to the Philippine Market.”
Sa totoo lang, happy to see senior stars na nagbabalik-aktibo sila sa pelikula.
Bukod kay Aga at Goma, after his TV stint sa Ang Probinsyano, back to movie acting din si Edu Manzano sa isang kakaibang role in the film “Just a Stranger” na nag-shoot pa si Edu sa Portugal together with Anne Curtis and Marco Gumabao.
For now, habang ine-enjoy ng aktor ang break sa kanyang showbiz career, tuloy naman ang pagmo-motorbike niya together with friends and sometimes sa pagiging official photographer ng misis niya na si Charlene sa mga sinasalihan na mga international marathon na ang latest was the London Marathon.
I just don’t know kung kabilang sa Charlene sa mga showbiz personalities natin na sasali sa Berlin Marathon.
|
Reyted K
By RK Villacorta