Pelikula nina Kim Molina at Jerald Napoles hindi intensyong laitin ang mga PWD

Leo Bukas

MALAKING challenge para sa singer-comedienne na si Kim Molina ang role niya sa pelikula ng Viva Films na Ang Babaeng Walang Pakiramdam. Malayung-malayo raw ito sa character na ginampanan niya noon Jowable.

Ang ABWP ay tungkol sa isang babaeng may kakaibang sakit na tinatawag na Congenital Insensitivity to Pain. Hindi siya nakakaramdam dito ng kahit anong sakit  — pisikal man o emosyonal.

Kim Molina in ‘Ang Babaeng Walang Pakiramdam’

“Mahirap po talaga yung role ni Tasha. Kasi ako as a person, unang-una, bungisngis po ako, machika ako, tapos nag-start ako sa theater na ang lalaki ng reactions ko sa acting, so dito merong kailangang liitan at kung puwede sa loob mo na lang o parang inner monologue na lang ang gawin, kaya sobrang malaking challenge po talaga ito sa akin,” pagtatapat ni Kim sa interbyu ng  PUSH sa virtual presscon ng kanyang pelikula.

“Buti na lang din I’m just very lucky that I have Jerald with me,” bulalas pa niya. “Kumbaga, kami po kasi yung teacher ng  isa’t isa – ako ang teacher niya sa voice, siya naman sa acting.

“So, kumukuha rin talaga ako ng mga tips from him kung paano ba yung ganitong atake. And at the same time, bago po kasi kami matulog nanonood kami ng magagandang klaseng pelikula, yung mga classic, para lang matuto pa po ako. Kasi alam ko po na marami pa akong kailangang matutunan sa acting,” lahad pa niya.

Ayon pa sa Viva artist, kinailangan din niyang obserbahan ang acting ni Nora Aunor. Si Nora ay kilala sa paggamit ng kanyang mga mata sa mga eksena na hindi na kailangan pang magsalita.

Ani Kim, “Opo, actually. Meron din akong… siyempre tiningnan ko rin sa Youtube kung paano ba umarte yung superstar natin,  kasi mata lang po, eh. Karamihan ng eksena ko dito mata lang din po ang ginagamit, eh, at nakatulong naman siya.”

Hindi raw kasi uso sa kanya ang technique ng ibang artista na sa mga personal na karanasan humuhugot ng emosyon para sa mabibigat ng eksena sa pelikula.

“Yung training ko kasi sa theater it depends sa trajectory of the character, kung saan yung journey niya, don ako humuhugot. Bihira akong humugot from my personal experiences. Kasi sa teatro kung sa personal ka huhugot mauubos ka lalo na kung yung show mo ay twice a day. It’s going to be very difficult kung doon ka huhugot sa personal mong emosyon.

“For me, hindi ko kakayanin yon. It’s either hindi ko magagawa nang maayos yung eksena ko or hindi na ako kokonekta don sa sa film or kung anuman yung ginagawa ko kaya I just really have to understand kung anong pinagdadanaan niya.

“Ang technique ko din kasi, as  a musical actress naman since mas singer ako, what I do is every project nag-iisip ako ng isang kanta na yon ang representation ng character ko. Tapos pag kailangang i-shoot ang isang eksena tapos hindi ko alam kung saan siya nanggagaling, I have to listen to that  particular song, parang guide ko siya,” kuwento pa niya.

Kim Molina and Jerald Napoles

Kasama ni Kim sa ABWP ang boyfriend na si Jerald Napoles na gaganap naman bilang  si Ngongo, isang lalaking may cleft palate sa pelikula. Nilinaw ng aktres na walang itensyon ang kanilang pelikula na i-ridicule o pagtawanan ang mga taong may mga kapansanan o yung tinatawag na PWD sa lipunan.

“Hindi naman po kami tatanggap ng project na alam po naming magre-ridicule sa ibang tao or would mean bad sa iba kasi hindi naman po kami ganung klaseng tao.

“Ako rin po kasi kapag may gagawa ng masama or like someone would redicule my friends also ipagtatanggol ko talaga, so para sa amin ni Jerald, para tanggapin ang ganitong klaseng proyekto panoorin n’yo po,” paliwanag niya.

Mapapanood ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam sa June 11 sa worldwide premiere nito sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV, SKY PPV, Cignal PPV at sa Vivamax. The movie is directed by Darryl Yap.

Previous articleSunshine Guimary sa tsismis na transgender woman siya: ‘Tunay na babae po ako’
Next articleAJ Raval dalaga na nang malamang 18 pala silang magkakapatid sa amang si Jeric Raval

No posts to display