Bongga ang Tuesday night. Buhay ang showbiz. Magkasabay ang premiere night ng dalawang pelikulang Pinoy.
Ang isa, ang “Pare, Mahal Mo Raw Ako” with Michael Pangilinan and Edgar Allan Guzman with the support of Joross Gamboa, Matt Evans, Miggy Campbell, Ana Capri, and no less than Nora Aunor mula sa direksyon ni Joven Tan na naganap kagabi sa Cinema 10 ng SM Megamall at sa June 8 na ang regular showing.
Isang funny “Beki Love Story” na tumatalakay sa lihim na pagmamahal ng isang beki (played by Edgar Allan) sa kanyang BBF (played by Michael).
Napanood namin ang pelikula sa press preview nito sa UP Film Center two months ago na hopefully ay susuportahan ng LGBT community.
Maging ang mga LGBT stalwarts like Bemz Benedito of Ang Ladlad at Danton Remoto of TV5 na kilalang literary figure ay suportado ang pelikula.
Ang pelikula nina Michael Pangilinan at Edgar Allan ay magiging barometer kung ang ganitong mga matitinong Pinoy gay films (not the indie gay films na walang ginawa kundi ang hubaran at kabaklaan na puro sex at kababawan) ay tanggap na ng Pinoy society.
Kasabay ng “Pare, Mahal Mo Raw Ako” na nagkaroon din ng premiere night sa SM Manila ang nakatatawang “love team” nina Sen. Jinggoy Estrada at Maja Salvador sa “Tatay Kong Sexy” na mapanonood na ngayong Wednesday, June 1.
Both films are funny. ‘Yung kina Maja at Sen. Jinggoy ay funny at aliw na pampamilya, ang kina Michael at Edgar Allan Guzman na funny rin na temang pang-LGBT that deals about “beki love” na hindi bastos at kababawan kung ikukumpara sa ga sampu-samperang “indie” gay films na naglipana sa market.
We hope both films ay kumita para happy ang industriya.
Reyted K
By RK VillaCorta