Pelikula nina Nora Aunor at Barbie Forteza, nag-back out sa Pista ng Pelikulang Pilipino!

Nora Aunor in Tuos

SA 12 OFFICIAL ENTRIES ng kauna-unahang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na pakulo ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang akala ng mga media ay kabilang ang pelikula ni Nora Aunor na “Tuos” na kabilang sa nakaraang CineMalaya 2016 sa line-up. ‘Yun pala waley ang pelikula ni Nora. Sa pelikula ay kasama ng aktres si Barbie Forteza.

 
Ang inside tsika na nasagap namin, nag-back-out “diumano” ang producer ng pelikula ni Nora dahil hindi nito keri ang mga magagastos na kakailanganin sa basic promotion and marketing ng pelikula.
 
Barbie Forteza in ‘Tuos’

Kahit kasali man sa isang film festival ang isang entry at may generic promotions na sahog bilang isang official enty, siguro naman ang mga individual  posters, tarpaulins ng pelikula mo as producer ay ikaw na siguro ang gagatos at hindi na lang iaasa sa organizer (FDCP) para mas lalong makahatak ka ng viewers.

 
Pero may isang mapagkakatiwalaang source na nag-PM sa amin, ayaw na daw gumastos ng producer dahil sa unang film festival na sinalihan ng pelikula (Cine Malaya) ay hindi pa rin daw nababawi ni “produ” ang  kanilang puhunan at abonado pa rin sila.
 
Bongga ang lineup ng PPP dahil out of 12 official entries, apat sa mga ito ay hindi napapanood ng publiko tulad ng: 100 Tula Para Kay Stella, Bar Boys, AWOL,at Triptiko.
 
Ang Birdshot, Ang Manananggal sa Unit 23-B, Ha­mog, Paglipay, Patay Na Si Hesus, Pau­wi Na, Salvage, at Star Na Si Van Damme Stallone ay nakasali na previously sa mga film festivals.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articlePara sa kanyang 30th showbiz anniversary: NYC Chairperson Aiza Seguerra, nag-mini show sa mga bakwet
Next articleBela Padilla, nag-‘I Heart You’ na nga ba kay Zanjoe Marudo?

No posts to display