BONGGA! Daring ang Viva Films sa bagong nilang pelikulang Adan na ipapalabas na sa darating na November 20.
Iba kasi ang peg ng pelikula. Kung dati ay bumaha ang mga pelikula na ang tema ay tungkol sa buhay-pag-ibig, romansa at issues tungkol sa kabaklaan, this time isyu naman tungkol sa mga lesbians ang content ng pelikula nila na pinagbibidahan ng dalawang seksi na baguhan na sina Cindy Miranda at Rhen Escano.
Are we ready for lesbian themed movies?
Sa totoo ang, hindi na bago ang mga ganitong tema ng pelikula sa local film industry tulad ng mga indie movies na Baka Bukas at Billie and Emma na dahil sa limited ang exposure para mapanood ng publiko, malamang sa hindi, iilan lang sa mga moviegoers natin ang nakakaalam na may pelikula tayo na ganito.
Kung hindi ka indie film addict, malamang magugulat ka sa mga iba’t ibang tema at kuwento ng pelikula na ginagawa ng mga director, scriptwriters at mga independent film producers natin sa kasalukuyan.
Ang Viva, minsan na rin nag-produced ng” tomboyan” film na bida noon sina Rica Peralejo at Maui Taylor na “Hibla” na sinulat ng director na si Yam Laranas na siya din ang sumulat ng Adan at na direksyon ni Roman Perez Jr.
Kung nage-enjoy ka sa mga girl to girl na eksena, I’m sure hindi ka na magugulat kung mapapaood mo sina Cindy at Rhen sa kanilang mga daring love scenes at hot bed scenes na I’m sure, sa ganda ng dalawa na tawag yata sa mga magagandang lesbians na hindi pormang lalaki ay Lipstick Lesbians. Tama ba kami?