PELIKULANG “ANG MISYON”, HANDOG PARA SA MGA BAYANI AT BIKTIMA NG MARAWI

Martin Escudero

NGARAGAN ang isinagawang coverage sa pagko-commemorate ng unang taon ng Marawi Seige last Wednesday, May 23.

Halos lahat ng radio and television stations, online news portal ay may representative na nag-cover kaganapan.

Kaya timing lang na sa unang taon ng Marawi ay ipalabas ang pelikula tungkol sa dati’y tahimik na lungsod sa Lanao del Sur kung saan mas nakilala ang Marawi dahil doon located ang Mindanao State University (MSU) at sa intact na Muslim Culture na hindi nabago ng panahon. Sa Marawi mo makikita ang mga Arabic signage na sila lang (mga locals) ang nakakabasa at nakakaintindi.           

Sa Marami, ang daming mga brass works kung saan minsan ay nakabili pa ako ng antigo betel nut container.

Sa pamamagitann ng pelikulang “Ang Misyon” ay ilalahad ng dating ABS-CBN New Bureau Chief na si Cesar Soriano ang tunay na kuwento sa likod ng mga gumuhong mga buildings, mga bahay na tadtad sa mga bala at mga buhay na bigtime at binago ng giyera.          

Sa Ang Misyon, ikukuwento ni Direk Cesar kung paano nagsimula ang kaguluhan kung saan sa Amai Pakpak Medical Center una nagwagayway ng black flag ng grupong Islamic State or ISIS.

Hindi bago kay Direk Cesar ang isyu ng tungalian sa Mindanao dahil minsan na rin siya naging biktimang pandurukot ng mga terorista.

Direk Cesar Soriano

Ayon kay Direk, na siyang sumulat, nag-produce at nag-direk ng pelikula, ang rason kung bakit niya gusto na mapanoodng publiko ang obra niya ay oara sa mga Pinoy:  ”So Filipinos would know and understand why the Marawi attack happened. Ang Misyon is a film based on a true story of a registered nurse who helped the terrorists in Marawi.

“A timely film. Ang Misyon delves into the roots of terrorism in Mindanao and other details of the conflict that were never told in the media,” paliwanag niya.

Ang pelikula niya ay para sa mga bayani at biktima ng Marawi na mapapanood na sa darating na Wednesday, May 30 at ide-distribute ng ABS-CBN Film Productions

Ang nagbabalik na si Martin Escudero ang bida sa pelikula na susuportahan nina  Rez Cortez, Lou Veloso at aktres na si Tanya Gomez at ang Regal Films baby na si Drew Alvarez na isang swimmer na kabilang sa Philippine Team at UP Diliman student.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleRegine Tolentino, na-trauma kay Lander Vera-Perez
Next articlePaulo Avelino, impressive sa pelikulang ‘Kasal’

No posts to display