PAGKATAPOS nilang magsama sa horror film na Lila noong 2006 ay balik-tambalan ulit ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez at ang Kapamilya actor na si Enchong Dee sa pelikula ng Regal Entertainment na Elise.
Ang Elise ay isang dramatic-comedy movie na idinirek ni Joel Ferrer at magiging pang-Valentine offering ng Regal. Palabas ang pelikula sa Feb. 6.
Ayon sa director ng pelikula, ang Elise ay is true-to-life story at base sa real-life events ng taong malapit sa kanya.
Ani Direk Joel, “It’s a bioromantic comedy that depicts events in the lie of Bert (Enchong), who is quick-witted but sickly emotional and independent guy, who falls for Elise (Janine), who is a strong, tought, independent woman.”
Idinagdag din ng director na hindi lang basta love story ang pelikula nina Janine at Enchong.
“It’s a long journey from start to finish. This is a story of finding your purpose in life. We start from naging sila na bata, ganyan,” sey pa niya.
“It talks about love, moving on, loving again, chasing and finding your dream, and your values,” dagdag pa ng director.
Paliwanag naman ni Janine, “Elise is a lifelong love story about these people na parang their whole lives ay parang nag-i-intertwine ang mga buhay nila. Ang tanong ay kung magkakatuluyan ba ang first love nila o hindi.”
Pananaw naman ni Enchong, “Nangyari siya sa tunay na buhay. It’s a biopic. Ang hirap kasi minsan tatanungin ng tao, ‘Posible ba ‘to? Nangyayari ba talaga ito?’
“The fact that it’s a love story na coming from a person na specially close to Direk, I think, yon yung part na maganda kasi may pinagkukuhanan kami ng tunay na kuwento.”
Samantala, kasama rin sa Elise sina Miko Raval at introducing sina Victor Anastacio, Miel Espinosa at Laura Lehmann.
La Boka
by Leo Bukas