NAGHAHANAP KA BA ng Pinoy Film na magandang panoorin? Ang good news ay mapapanood na simula ngayong November 30 ang pelikulang ‘Finding Agnes‘ na pinagbibidahan nina Sue Ramirez at Jelson Bay.
Kilala bilang komedyante sa mga indie films at Kapuso Network si Jelson Bay, kaya naman interesting na ipinares ito sa Kapamilya actress na si Sue Ramirez na sa Morocco pa kinunan ang mga importanteng eksena. Ang bongga, ‘diba?
Ang ‘Finding Agnes’ ay tungkol sa isang lalaking entrepreneur named Brix (Jelson Bay) na lumipad patungong Morocco para kilalanin ang kanyang estranged mother (Roxanne Guinoo / Sandy Andolong) na iniwan ito sa Pilipinas at nanirahan sa Morocco. Ano nga ba ang nagtulak sa ina na iwanan ang kanyang pobreng anak sa Pilipinas? Nasaan nga ba si Agnes?
Hindi pa namin napapanood ang buong pelikula, pero sa Morocco na makikilala ng lalaking bida ang magandang dalaga na ginagampanan ni Sue named Cathy, na naging anak-anakan ng kanyang ina. Magkakaroon ba ng love angle sa pagitan nila o will there be something deeper?
Ito ang debut film ni Marla Ancheta. Kakaibang Jelson Bay ang makikita natin dito dahil sanay tayo na lagi siyang sidekick ni Bossing Vic sa Daddy’s Girl. This time, siya ang bida at feeling namin ay papaiyakin niya ang mga manonood.
As for Sue, ang ganda talaga ng dalagang ito sa mga photo stills ng pelikula, ha! Fit na fit siya sa Morocco.
Noong 80’s pala ay naging sikat na puntahan ng mga well-to-do Pinoys ang Morocco. Ang iba ay nag-settle down na roon. Ito ang naging inspirasyon kaya pinili ng producers at direktor ang lugar, na kung hindi kami nagkakamali ay first time mafi-feature sa isang Filipino film.
Panoorin ang ‘Finding Agnes’ sa Netflix. Suportahan natin ang mga pelikulang Pilipino!