NA-MISS mo ba sa sinehan noong Marso ang sexy romantic drama movie ng Viva Films na ‘Hindi Tayo Pwede’ dahil na rin sa kasagsagan ng Covid-19 scare? Do you regret not watching it in the cinemas dahil feeling mo ay ‘hindi na pwede’?
Guess what? Puwedeng-puwede mo na mapanood ang ‘Hindi Tayo Pwede‘ nina Lovi Poe, Marco Gumabao at Tony Labrusca simula bukas, August 4 sa Netflix Asia! Ang saya lang na you can now watch the movie in the comforts of your home!
‘Once Before‘ na ang English title ng pelikulang isinulat ni Sir Ricky Lee at idinirek ni Joel Lamangan. Kuwento ito ng ng isang babae named Gabby or Gab (Lovi Poe) na makikilala ang isang katukayo named Gab (Tony Labrusca) at sila’y magkakainlaban. Isang trahedya ang magiging hudyat ng kanilang paghihiwalay. Ang loyal best friend named Dennis (Marco Gumabao) ang aamin kay Gabby (Lovi Poe) na siya’y may nararamdaman na para sa kanya. Ano kaya ang mangyayari sa kakaibang love triangle na ito?
Mala-Ghost ang peg ng istorya ng ‘Once Before’ kaya naman asahan na ang kilig, iyakan at s’yempre, love scenes!
‘In Between Goodbyes’ ang original title ng proyektong ito na naging ‘Hindi Tayo Pwede’ dahil sa hit song ng bandang ‘The Juans’.
Maliban sa ‘Once Before’, may 14 Pinoy films pa na mapapanood sa Netflix ngayong Agosto. Ang bongga lang, ‘di ba?
Simula noong kauna-unahang ECQ implementation noong Marso ay may mga ganap din sa tatlong bida ng pelikula.
Lumabas na sa iWant noong Mayo ang pelikulang ‘Malaya’ na pinagbidahan ni Lovi Poe with Zanjoe Marudo. Sa Southern Italy pa kinunan ang proyekto. Si Tony Labrusca naman ay lumabas sa ‘quarantine movie’ na ‘Love Lockdown’ at sa ongoing BL digital series na ‘Hello, Stranger’. Nag-umpisa na rin ito ng bagong teleserye project with Julia Barretto and Loisa Andalio. Ang alam namin ay matutuloy na rin ang mga pending movie project ni Marco Gumabao under Viva Films.
Suportahan natin ang ‘Once Before’ sa Netflix Asia simula bukas. Ito na muna ang panoorin natin sa unang araw ng Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ!