JUST IN CASE you missed it, palabas na ang ang Star Cinema romantic-comedy movie nina Coco Martin at Angelica Panganiban na ‘Love or Money‘. Yes, last month pa!
Originally, kasama dapat sa lineup ng kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival last year ang ‘Love or Money’. Marami pa nga ang nag-aabang nito dahil matagal na rin nirerequest ng fans na pagtambalin ang dalawa sa award-winning stars ng ABS-CBN. Idagdag pa na ito ay kinunan sa Dubai bago pa nagkaroon ng Enhanced Community Quarantine o ECQ sa bansa.
Noong Holy Week ay nagkaroon kami ng oportunidad na mag-catch up sa ilang pelikula at seryeng na ipinalabas digitally sa KTX.PH at IWantTFC. Ang kaibigan namin na big Angelica fan ay shookt na palabas na pala ang pelikula at sinabing hindi niya naramdaman ang movie dahil kokonti lang ang nagtutweet nito at naging matumal ang promotions.
Ang ‘Love or Money’ ay kuwento ng dalawang taong nagkakilala isang gabi at muling pinagtagpo ng tadhana sa ibang bansa. Si Leon (Coco Martin) ay isang simpleng lalaki na may simpleng pangarap. Ang gusto lang niya ay magmahal ng tunay at bumuo ng sariling pamilya sa probinsya. Sa kabilang banda, si Angel (Angelica Panganiban) ay isang babaeng ilang beses nang nasaktan ang puso dahil sa pag-ibig at pamilya kaya mas gusto na lang niya ng maginhawang buhay. CEO sa umaga, mistress sa gabi.
Nagkakilala, nagkainlaban isang gabi, nagkalayo’t nagkita muli sa Dubai. Sa umpisa ay maganda at nakakakilig ang pasok ng mga eksena nina Coco at Angelica. May chemistry sila at may effect din naman ang mga pakilig nila. Idagdag pa na okay rin ang supporting characters at naipakita pa ang ganda ng Dubai. Dito namin napagtanto na ang ‘dream’ namin na makalipad at makapasyal sa Dubai ay mananatiling isang ‘dream’ dahil sa global pandemic na dulot ng Covid. Grrr!
Habang nanonood kami ay namiss namin ang typical Star Cinema romcom films. Kahit na puro tayo KDrama ngayon ay maganda rin na bumabalik ka pa rin sa Pinoy films paminsan-minsan. Entertaining naman ang Love or Money, pero bigla lang kami nalost dahil naging action-drama ang last 30 minutes ng pelikula. Nawala ang kilig. Naging galit. Cardo, ikaw ba ang sumapi kay Leon?! Chos!
Hanggang April 10 pa mapapanood ang ‘For Love or Money’ sa IWantTFC o KTX.PH. Sure naman kami na mae-extend pa ito.
Kung big fan ka nina Angelica at Coco o simply you miss Pinoy romcoms na naging ‘comfort escape’ natin nood, we suggest to give this film a chance. Watch na!