JUNE 22 is a special day para sa fans nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez a.k.a. PauNine dahil palabas na sa mga sinehan nationwide ang kanilang first feature film together na ‘Ngayon Kaya‘. Ito ang kauna-unahang Pinoy film na naglakas-loob na magbukas sa mga sinehan this year (hindi counted ang MMFF, private screenings at ang chain-exclusive releases).
Sa mga hindi nakakaalam, ang pelikulang ‘Ngayon Kaya’ ay ginawa at tinapos bago pa magkaroon ng pandemya sa buong mundo. Katunayan, kalahok dapat ito sa na-postpone na 1st Metro Manila Summer Film Festival na dapat ay magaganap noong April 2020. Ang ilan sa mga pelikulang kalahok ay napalabas na rin sa MMFF 2020 at 2021 habang ang iba naman ay inilabas na lang sa streaming.
Certified Kapuso actress pa noon si Janine nang gawin nila ni Paulo ang pelikula. Eventually ay sila ang pinagtambal ng Kapamilya network nang madesisyong mag-ober-da-bakod ang aktres at ginawa ang romance-comedy series na ‘Marry Me, Marry You’.
Ang ‘Ngayon Kaya’ ay kuwento ng dalawang magbestfriends na malalim ang pinagsamahan, pero sila ay nagkahiwalay ng landas. After almost a decade ay muli silang nagkita at nagkaroon ng tsansang magreconnect muli.
Panoorin ang ‘Ngayon Kaya’ sa pinakamalapit na sinehan at suportahan ang pelikulang Pilipino!