Super expensive pala talaga ang film project ni Direk Dondon Santos na “Northern Lights: A Journey To Love” na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Yen Santos. Ito rin sigurado ang rason kung bakit tatlo ang producers ng naturang pelikula na kinabibilangan ng Regal Entertainment, Spring Films, at Star Cinema.
Sa location shooting ng movie na ginawa sa Queenstown sa New Zealand, mas expensive diumano ang cost compare kung sa Amerika sila nag-shoot.
“It’s more than twice the expensive ang shooting ng pelikula,” kuwento ni Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment.
Balita ko nga, ang talent fee ni Papapi ang share naman niya as producer ng Spring Films. Kumbaga, isang industrial partner ang actor.
Ang Star Cinema, sila naman ang may hawak ng distribution at publicity and promotion.
“Promoting a film on television and or radio, milyones din ang magagastos,” bulong sa amin ng isang insider. “Kung sa primetime ipalalabas ang trailer, halos kalahating milyon din ang halaga ng isang 30- seconds na trailer.
“Kung solo na ipo-produce ng Regal ang movie, malaki ang gastos. Kaya sa start pa lang, nando’n na ang Star Cinema at Spring Films,” kuwento naman sa amin ng supervising producer na si Manny Valera.
Dagdag pa niya, “Very strict sila sa working hours. Ang travel time to the location and return to the hotel kasama sa working hours cut-off.
“If per day they allot 8-hour shooting lang, at ang travel time to the location is two hours and another two hours in return, may matitira na 4 hours na lang para sa shooting namin.”
“Sa kanila, ang travel time to the location at ang pagbalik mo sa hotel ay counted. Mahigpit sila sa working conditions nila,” sabi pa sa amin ni Manny.
Kung isasama pa nga ang personal na biyahe ni Direk Dondon sa Finland or Iceland yata ‘yon para lang makunan ang Aurora Borealis (or Northern Lights), mas lalong expensive.
Sa shooting nila sa New Zealand, hindi akma o wala sa timing ang pagdating ng cast para makunan sina Yen at Piolo under the Aurora Borealis.
“It’s too far from our location. P’wede sana, pero mas malapit na sa Antarctica, sa dulo ng New Zealand,” kuwento ni Direk Dondon.
Kaya nga para mas bongga, from Direk Dondon’s personal pocket ang expenses ng pagbiyahe niya para kunan ng footage ang Northern Lights na nasa may bandang Iceland at Finland na isasama sa mga eksena ng pelikula.
Based on the trailer, naging expensive man ang pelikula, it’s worth the wait on March 29.
Makasasama nina Papapi at Yen ang batang artista na si Raikko Mateo, Sandy Andololong, at Tirso Cruz III.