LAST NIGHT, Monday October 1, ay ang red carpet celebrity premiere showing of a new approach to a hugot movie na “Para Sa Broken Hearted” held at SM Megamall Cinema 7.
Panalo ang pelikula na at first ang akala ko ay isa na namang emote movie na sampu-sampera na naglipana na lang na ang ilan ay sumunod lang sa uso na tinangkilik naman ng mga kabataan.
Nagkamali pala kami. Iba pala ang Para sa Broken Hearted. Yes, its a film tungkol sa mga umibig, nasaktan at umasa pero iba ang paglalahad ng direktor ng pelikula sa unang sultada niya na mula sa pagiging isang production designer ay nabigyan ng pagkakataon na makapag-direk.
Bago ang approach ng paglalahad ng kuwento ni Direk Digo Ricio na halaw sa nobela ni Marcelo Santos III na makailang beses na rin isinalin ang mga sinulat niyang nobela para maging isang pelikula.
Tatlong kuwento ng pag-ibig ang Para sa Broken Hearted na fresh ang dating sa amin dahil iba ang atake ni Sirek Digo na ginamitan pa niya ng animation sa ilang mga eksena sa love story nina Sam Concepcion at Yassi Pressman para sa interest ng mga bagong kabataan na basta’t hugot at emote movie at nagustuhan nila ay word of mouth na pasalin-salin ang feedback nila na ang ending ay sumusugod ang mala-batalyon ang hanay nila sa mga sinehan to support a film project.
Magagaling ang mga artistang babae (Yassi, Louise delos Reyes at Shy Carlos) sa mga karakter nila na masasabi ko na pawang magagaling ang tatlo.
Charming si Sam Concepcion. Guwapo sa big screen na may angle na akala ko sa unang tingin na akala mo si John Lloyd Cruz ang pinapanood mo. Magaling si Sam. Nahasa sa entablado habang at si Marco Gumabao naman ay oozing with sex appeal at pa-kilig at L sa mga eksena niya na ibinabalandra ang kanyang kaseksihan at abs. sa eksena niya sa football field.
Personally, I love the film na produced ng Viva Films at Sari Sari Films na showing na bukas Wednesday, Oct. 3. I bet, magugustuhan ito ng manonood ng pelikulang Pilipino.
Reyted K
By RK Villacorta