HINDI LANG sa CineFilipino Film Festival 2018 umani ng parangal ang pelikulang pinagsamahan nina TJ Trinidad at Yeng Constantino na The Eternity Between Seconds. Wagi rin ang obra ni Alec Figuracion sa Cape Town International Film Market and Festival na ginanap noong nakaraang linggo sa South Africa.
Nanalo ng ‘Best Script’ award si Alec Figuracion na nagsilbing direktor/writer/editor ng pelikula. Bago ang kanilang Cape Town adventure ay naging parte din ng Busan International Film Festival ang pelikula, na naging hit sa mga Koreano and other foreign attendees na talagang nag-participate sa Q&A with the director.
“The juries were especially impressed by the Asian features from countries such as Thailand, the Philippines and Taiwan that offered innovative aesthetic approaches to the subject matter.” ayon sa CTIFMF 2018
Dahil sa success ng pelikula, hindi mapigilan ng lead stars na sina TJ at Yeng na magpost sa kanilang social media accounts ng magagandang balita.
Ang tanong naman ng mga madlang pipol ay kailan kaya magkakaroon ng nationwide screening ang pelikula? Very vocal ang mga Yengsters na gusto na nila mapanood ang kanilang idol sa mga sinehan sa probinsya o sa abroad. Meron din naman fanbase si TJ na quiet lang pero may purchasing power.
Ayon sa Facebook page ng pelikula ay tumatanggap na sila ng inquiries for special screenings in cinemas, schools and for other venues. Mag-email lamang kay Melai Entuna by emailing [email protected].
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club