Pepe Smith: The Heart of a Rocker

WHOAH! “THE SMITHS”, nak’s! Siyempre’t  nasulit ang paghihintay ko mula umaga hanggang gabi. Mukhang namuti angmata ko at uminit ang puwit ko sa kahihintay. Buti na lang nag-offer ang receptionist ng 9Waves Resort ng libreng kapeng ubod ng innnit!

Well naman, sanay na tayong pumunta sa mga location ng taping kaya sinabi kong ‘wag silang mag- alala’t okey lang sa ‘kin. Lalo’t  sinabi ng production staff na inaabot din sila ng umaga sa pag-e-edit sa ginawang video ng mga Smiths. At tayo naman ay nakiusap lang na ma-interview sila para sa Pinoy Parazzi.

At dahil dito, nagkaroon sila ng idea na ang interview ko sa pamilya ay kunan nila ng kamera at mukhang kasama na sa kanilang ginawang episode for Father’s Day. Wow, huh! Mukhang nasalang ako muli sa kamera nang ‘di inaasahan. Instant artist, huh! Ha-ha!

At tayo ay buong pusong nagpapasalamat  sa producer nito at sa buong cast at mababait naman sila. Nakita kaya ako sa kamera? He-he!

Well, unahin nating kunan ng ka-rockan, itong Icon Rocker ng ating bansa na si Pepe Smith. “Ah, kumusta Maestro, kumusta?”

Ah, noong 70’s, isa ho ako sa mga humahanga sa inyo, mahaba pa buhok ninyo noon. Mga 9 years old ‘ata ako noon, tapos nakikita ko na kayo siguro, mga Martial Law na. Ano, before Martial Law o Martial Law na? “Oo Martial Law na.”

Umpisahan na natin alamin ang kanyang rocker na buhay. Tinanong ko ano ang ginagawa nila during Martial Law? “Ah, hindi naman sa nagre-rebelde kami kundi inaano lang namin na hindi na kailangan ng ganu’n, na masarado ang bayan natin sa labas at ahhh, manipula lahat ng mga sistema at mga tao na hindi natin malaman kung bakit. Kumbaga ‘yung sa ‘min lang, eh, habang nagkakagulo sila ‘ron eh, kami gusto lang naming tumugtog lang para makapagpasaya naman kami ng iba.”

Ayon pa sa kanya, puno ng rally kabi-kabila. Eh, sila naman hindi sumasama kundi lumilikha lamang sila ng mga awitin para sa mamamayan. At tinagurian silang musikero ng bayan, dugtong pa niya. Bagay na ang banda nila ay ang Juan dela Cruz Band, magkakasama sina Pepe Smith, Mike Hanopol, si Wally Gonzales…

Pero nu’ng panahon ho ng banda, ‘yung  ‘Kiss’ eh, matindi ‘yon. “Ah, ibang klase yon!”

Naka-maskara pa, akala mo iyong mga Ma-ZINGER Z! Mga robotic na ‘yun? “Ah, hindi theatrical ‘yun.”

Mukang parehas naligaw ang salita namin, he-he. Ibig kong sabihin ay parang mga metallica or painted ang mukha na hango sa mga Japanese band. At may Gig siya sa Tiendesitas, sa Greenbelt 3 at mga darating pang mga gigs.

Dugtong pa niya, “Malalaman naman nila ‘yan sa print media, minsan sa mga TV show.”

Ano po ang masasabi ninyo sa mga anak ninyo sa parang tribute sa inyo sa Father’s Day? “Ah, mahal ko silang lahat  at natutuwa akong nandyan sila. ‘Yun naman ang pinaka-importante sa lahat eh, ‘yung magkakasama ang buong pamilya. Kaya ginagawa namin ang magagawa naming paraan para maging isang magandang pamilya po ba. Maging isang masaya at ma… ma… ma… ano. Ah, ma-rock. Hehe! Ma-rock en roll!” Napapa-rock na tawa ni Pepe Smith.

Isa na lang pong tanong, ah… sakaling ngayon, gusto ninyong pamanahan sila, ano iyong gusto ninyong buong-pusong ipamamana sa kanila maliban sa pera, kasi ang pera madaling hanapin, saka-sakali. Bukod sa pera, ha-ha-ha! Dagdag ko ATM! “Ano po eh, dapat marunong silang makiharap sa tao. At bukas ang puso sa mga usapan.”

Bagay na napansin ko na slowrock headed (down to earth) ha-ha, itong si Pepe Smith. Hirit na lang pong kaunti, ano po ang sikreto sa ‘yo ng musika, Pepe? “Medyo nakakabata po! Hahahahah!” Isama na ang chicks, hahaha! Joke!

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, call tel. no. (02) 3289838, e-mail: [email protected]  or visit www.pinoyparazzi.net

By Maestro Orobia

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleSam Milby & KC Concepcion: Forever Starts Today!
Next articleKatrina Halili does the ‘Ganda-fication’

No posts to display