NAKAKATUWANG VERY professional si Derek Ramsay pagdating sa oras. Ang naging schedule namin noong Martes, April 12, na interview at 4pm ay talagang on the dot dumating si Derek.
Naka-sked ang aming interview bago pa man ang formal contract signing dahil itatakbo pa sa TV5 ang aming material para sa airing ng Juicy. Naging very honest si Derek sa pagsagot sa mga tanong namin.
Isang malaking desisyon daw talaga ang move na ito para sa kanyang career dahil hinahanap niya ang tamang offer that suits his personality. Very sporty si Derek at turning point sa kanya ang pag-ofer ng Kapatid Network ng show na The Amazing Race Philippines, very fan pala siya nang naturang US franchise na ito.
Mahigpit niyang pina-bulaanang pera ang naging dahilan sa kanyang paglipat. Isa rin sa nagustuhan ni Derek ay ang isa pa niyang gagawin sa TV5 na primer ng London Olympics.
Very Derek naman ang aming week dahil nga-yong araw, Friday, April 13, 2012 ay kasama pa rin namin siya sa Boracay para sa Century Superbods. Kasama rin sa mga celebrities na pupunta sa Bora ay sina Anne Curtis at Aljur Abrenica.
NAKAKALOKA, HA? Kung kailan naman magsi-celebrate ang Paparazzi ng TV5 ng kanilang second anniversary ay saka naman naglabasan ang mga tsikang matsu-tsugi na ito sa ere. Sino kaya ang source ng mga nagsusulat na mawawala na ito sa ere gayong napaka-stable ng show lalo na ngayong loaded ito sa mga commercials.
May balita pang may tatanggaling host o mga hosts sa show, nakakaloka talaga ang balitang ‘yan. Bilang bahagi ng naturang palabas ay alam namin ang mga magaganap at mga changes pero ang tanggalin o may papalitang hosts ay wala itong katotohanan.
So mga dear readers, huwag po ta-yong maniwala ha? Ang gawin n’yo na lang ay pakatutukan ang Paparazzi bukas, Sabado, April 14, sa bago nitong timeslot na 11:30 am hanggang 12:30 pm dahil bonggang-bongga ang second anniversary presentation nito, kung saan may mga awards ang artistang naging bahagi ng show sa loob ng dalawang taon sa ere. Watch na!
SA ISANG panayam namin at ng iba pang media kay Boy Abunda, naging open naman ito sa pagtugon sa katanungan namin tungkol sa mga social networking sites na Facebook and Twitter. Open book na kasi ngayon ang mga gusot at alitang nangyayari at naibubulalas sa dalawang new media. Pero sa obserbasyon ng karamihan, mas maraming nangyayaring gulo sa Twitter.
Paliwanag ng Bandila co-host, “As a matter of fact, isa ‘yan, kung papayagan ako sa aking pag-aaral, wala akong Twitter, wala akong Facebook, hindi po ako text savvy, pero naniniwala po ako sa kapangyarihan ng new media.”
“At alam ko po ang nangyayari sa paligid. Lahat ng aking staff, lahat ng aking kaibigan subscribed to Twitter, subscribed to Facebook, kaya alam ko po ‘yung mga balita na lumalabas. Alam ko po ‘yung mga pinag-uusapan sa social network, ngayon ang tanong, ay kung bakit hindi ako nakikisali?”
“Una, talagang hindi ako masyadong mahusay sa technology. I mean, I text, I call, pero sumisilip ako sa mga threads, sa mga pinag-uusapan sa Twitter through my staff, through my friends, sumisilip ako sa Facebook.”
Ayon pa sa kuwento ni Boy, malapit na niyang matapos ang kanyang doctorate degree kaya naman daw ipinagpaliban muna niya ang kanyang pagtuturo. At balak niya para sa kanyang thesis ay ang usapin tungkol sa social media, particular na ang Twitter.
Patuloy niya, “Twitter and moviestars are natural enemies. I would like to develop that discourse in my paper. Dahil pinag-iisipan ko ‘yan, dahil sa world of Twitter kasi, ang playing field ay pare-pareho tayong lahat. In the world of stars, hindi. Stars need to be adored. Stars need to be validated. Stars need to be acknowledged. They need to be placed in a pedestal. Move them in a platform, in a social network like Twitter where anybody could say anything to them, that certainly violates that very concept of stars being bigger than life. So, kaya sinabi ko, ngayon pa lang pinag-iisipan ko, natural adversaries sila eh, natural enemies sila eh, hindi talaga sila magkakasundo. Because you know, feeling naman nu’ng nasa Twitter, ay, kapareho ko lang siya. Ay, namumura ko pala siya.”
May advice naman si Kuya Boy para sa mga artistang nabibiktima na nang mga ‘bashers.’
“Right now, kung masyadong mainit sa kusina, get out muna. Tingnan mo, pag-aralan mo because the moment, ako ang pananaw ko, the moment you are in this platforms, the moment you’re in social network, be ready for the game. Even the bashers can be healthy. But you have to know how to manage, handle them.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato