Pera Para sa Matrikula

Joel-Serate-FerrerISA SA mga financial challenges na pinagdaraanan ng marami nating mga kababayan ay ang pagkita at pag-iipon ng pera para sa matrikula ng kanilang mga anak. Noong 2013, nalathala sa mga pahayagan ang nakalulungkot na kuwento ni Lorena (hindi niya tunay na pangalan) na nagpatiwakal dahil wala nang pangtustos sa kanyang matrikula sa UP. Ang kanyang ama ay taxi driver at ang kanyang ina ay ordinaryong housewife lamang.

Sa isang gawi naman, nababalitaan din natin ang mga teenage na estudyante na kumakapit sa patalim para lang maituloy ang kanilang pagaaral. Kung hindi nila ibinebenta ang kanilang mga katawan, minsan nagbebenta rin sila ng mga bawal na gamot at sari-saring mga krimen. Kung sa bagay, maari nating maituring na “lesser evil” ito kumpara sa pagkita ng pera para lang masustentuhan ang mga walang kuwentang mga bisyo. Still, evil pa rin ito. Paano ba natin ito maaring sugpuin? Read on.

Sa huling Pera Tips, tinignan natin ang kakaibang diskarte ni Mang Jenny na isang pulubi na hindi nakapagtapos ng pag-aaral para kumita ng pera. Ngayon naman, titignan natin ang pamamaraan ng dalawang working student at ang kanilang diskarte sa pagtustos ng matrikula nila sa isang legal, moral, at malikhaing pamamaraan.

Ang una nating ehemplo ay si “Ate Pastillas” ng UST. Tinagurian siyang Ate Pastillas ng mga kamag-aral niya sa UST dahil nagbebenta siya ng pastillas sa loob ng kanilang campus para madagdagan ang pondo para sa kanyang matrikula. Hindi naiiba ang pamamaraan ni Pastillas sa mga umaakyat sa bus ng mga estudyante na nagbebentaredin ng kanilang mga kakanin sa mga pasahero. At least sa kaso ni Ate Pastillas, nakasisiguro ang mga bumibili ng kanyang mga paninda na siya ay lehitimong estudyante ng UST dahil nagbebenta siya sa loob mismo ng kanilang paaralan.

Para sa ating ikalawang ehemplo, dumako uli tayo sa China sa probinsya ng Sichuan, kung saan merong mga ulat tungkol sa isang Chinese college student na nagbenta ng mga date palm fruits sa WeChat para sa kanyang matrikula. Katulad ni Ate Pastillas, ang Chinese student na ito ay nagbebenta rin ng kanyang paninda, pero dahil magaling siya sa online marketing at dahil mas malaki ang reach ng Internet, mas marami ang kanyang mga customer. Napansin ng kanyang eskuwelahan na ang simpleng business ng college student na ito, ngayon isa nang social enterprise dahil nakatutulong na ito sa mga date palm fruit farmers sa kanilang komunidad na naging supplier niya. Dahil dito, minarapat ng eskuwelahan na suportahan ang business na ito sa pag-aalay ng isang bakaneteng building sa campus nila bilang bodega ng mga date fruit ng kanilang student entrepreneur.

Nakatutuwang isipin na dahil sa malikhaing pamamaraan at tamang diskarte ay ang mga ordinaryong working student katulad ni Ate Pastillas at ang Chinese student mula sa Sichuan ay puwedeng maging “rich”.

‘Eto ang ilang pang mga tips na maaaring makatulong sa mga naghahanap ng pang-matrikula o pang-scholarship:

  1. Katulad ni Ate Pastillas, maraming estudante ay maaring bumili at magtinda ng mga sari-saring produkto sa kanilang mga kamag-aral. Kung wala kayong pera na pampuhunan sa pagbili ng imbentaryo ng iyong mga produkto ay maaari kayong makiusap sa inyong supplier kung puwede itong i-consign sa inyo para wala kayong kelangang gastusin para sa inyong produkto.
  2. Maliban sa pag-source ng mga consigned goods ay maaaring mayroon pang ibang way ng pag-source ng products na mura. Halimbawa, kung mayroon kayong hardin, puwede kayong magbenta ng mga prutas at gulay na tumutubo rito. Maaari rin kayong gumawa ng mga mura at simpleng mga produkto katulad ng ice candy, simpleng kakanin, packed snacks o packed lunch.
  3. Para naman sa mga scholarship, maari kayong sumangguni sa scholarship office ng inyong eskuwelahan at iba pang eskuwelehan para malaman kung ano ang mga available scholarships at kung ano ang mga requirments dito.
  4. Maraming klaseng scholarship. Maliban sa mga grade- o honors-related, meron ding scholarships para sa mga atleta, mga manunulat sa mga student publications, mga student orgs na involved sa mga performances at competitions katulad ng theater clubs, glee clubs, dance clubs, at debate clubs.
  5. Maaari rin kayong pumunta sa iyong mga barangay, munisipyo, o opisina ng mga congressman at senador dahil namimigay rin sila ng mga scholarships.
  6. Ang TESDA ay may mga libreng scholarships din para sa mga technical vocational courses katulad ng bartending, welding, motorcycle and cellphone repair, etc. At kapag natapos na ninyo ito, maaari niyong gamitin ang inyong natutuan para sa kabuhayan. Puwede n’yong gamitin ang kikitain n’yo sa kabuhayan na ito para masustentuhan ang iyong matrikula.
  7. Meron din mga socio-civic organizations katulad ng mga Rotary Club, Jaycees, Kiwanis, Soroprimists, etc. na mamimigay rin ng mga scholarships. Gayun din ang mga foundation katulad ng Metrobank Foundation, Tan Yee Kee Foundation, at BPI Foundation. Sa media naman, nandiyan ang “Monster scholars” ng RX 93.
  8. Kung ang kayo at talentado sa musika, maraming mga simbahan ang nagbibigay ng scholarship kapalit ng paninilbihan sa simbahan bilang choir director, conductor, o pianist

_______________­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­______________________________

Si Joel Serate Ferrer ay co-author ng bestselling book na PAANO YUMAMAN: 50 PERA TIPS TO MAKING AND SAVING MONEY. Ang libro na ito ay currently available sa National Bookstore, Pandayan Bookshop, at iba pang mga tindahan.

Pera Tips
by Joel Serate Ferrer

Previous articleKanino ang boto mo?
Next articleMinority President

No posts to display