“Sana makapasok ‘yung ‘Die Beautiful’ sa Metro Manila Film Festival, were hoping it gets accepted,” pahayag ni Perci Intalan, executive producer ng “Die Beauiful” nang makausap namin sa welcome presscon na ibinigay ni Mother Lily Monteverde sa kanila nina Direk Jun Lana at Paolo Ballesteros para sa tagumpay ng pelikula sa Tokyo International Film Festival 2016 sa Japan.
Dagdag pa ni Perci, “May invitation din kami with other film festivals abroad. Tapos in 2017, after filmfest, merong distributor sa Japan na gusto niyang ipalabas ang ‘Die Beautiful’ sa Japan.
“Kaya sobrang blessed ‘yung feeling namin from Tokyo, kasi sunud-sunod, hindi pa kasi kami nakararanas ng ganu’n na nang ipalabas du’n ‘yung pelikula, everyday may bagong e-mail na nag-i-inquire about the movie.”
Nakatulong ba para mas maka-penetrate abroad ‘yung “Die Beautiful” ang kasikatan ng make-up transformation ni Paolo?
“Alam mo ang worry nga namin nu’ng una before kami pumunta ng Tokyo, naku sana makita nila si Paolo bilang actor, hindi bilang celebrity. Kasi nga isa siyang Internet sensation because of his make-up transformation. Baka isipin nila na sumikat lang ‘yan at na cast dahil Internet sensation.
“Kaya kinailangan naming mag-double the effort para maging actor dito sa movie si Paolo. At nakita naman nila ‘yun. Kaya nu’ng napanood nila ‘yung pelikula at during nu’ng interview, nakita nila kung gaano ka-commited si Paolo.
“Feeling ko, makatutulong ‘yung kasikatan niya pagdating sa audience. Kunwari, ‘pag pinalabas na sa Japan, I’m sure, may nakakita na sa kanya sa Internet, then kilala na siya,” pagtatapos ni Perci.
John’s Point
by John Fontanilla