HANGGANG ngayon ay marami pa rin ang heartbroken sa ginawang drastic career move ni Bea Alonzo sa pamamagitan ng paglipat sa GMA. Dahil dito, may mga dating nakatrabaho ang aktres na naglabas ng hinaing sa social media at pati ang first part ng supposed teaser ng shelved project ng Kapamilya Network na ‘Kahit Minsan Lang’ ay nag-leak na rin.
Naintriga na ang mga viewers sa leaked trailer na hindi buo nang ipost. Doon ay makikita ang backstory ng karakter ni Bea at ang kauganayn niya sa apat na magkakapatid na ginampanan nina Richard Gutierrrez, Rafael Rosell, Christian Bables at Jameson Blake. Maikli pa kunwari ang buhok ni Bea sa trailer at sa totoo lang, interesting ito at may dark concept. Hindi lang namin matantsa kung ang apat na magkakapatid ba ay maiinlab sa dalaga o may mga personal conflicts na dapat harapin.
Dahil kakaiba ang konsepto nito, marami ang nanghinayang na hindi na ito itutuloy ng Kapamilya network. Ang ilang eksena kasi ay kinunan pa sa General Santos o GenSan. Ang tsika, hindi pa raw kampante si Bea na mag-locked-in taping last year dahil wala pang bakuna at bago pa ang konseptong ito. At the same time, ginagawa rin ni Richard Gutierrez ang FPJ’s Ang Probinsyano.
Hanggang sa hindi na nga nagrenew ng management contract si Bea sa Star Magic noong November 2020 at naging isang freelance artist na.
Dahil sa short hair ni Bea sa trailer, maraming netizens ang nagsabing bagay ito bilang comeback project ni Julia Montes, na isa rin sa mga paboritong leading ladies ng ABS-CBN. Nag-umpisang mapansin si Julia ng mga viewers nang gampanan nito ang antagonist role bilang Clara sa remake ng Mara Clara noong 2010, kung saan kapares niya si Kathryn Bernardo. Kahit na siya ay teenager pa lang ay ipinares siya kay Coco Martin sa ‘Walang Hanggan’. Masasabing successful ang pagtatambal ng dalawa despite the age gap.
May dalawa pang primetime TV shows na ginawa si Julia, pero pinakatumatak sa amin ang pagganap niya bilang twin sisters na magkaiba ang personalidad sa ‘Doble Kara’, na tumagal ng mahigit isang taon ang takbo ng serye. Ipinakita rin niya ang kanyang kapasidad bilang action star sa ‘Asintado’, na tinapos with high ratings saka pansamantalang nagpahinga sa paggawa ng teleserye.
Bago magpandemya ay nakatakda na dapat ang pagbabalik-primetime ni Julia Montes sa action-drama series na Burado. Ito ang proyektong pagsasamahan dapat nila nina Paolo Avelino, Zanjoe Marudo at Nadine Lustre. Nag-backout sina Julia at Nadine sa proyekto dahil hindi rin sila kampante sa lock-in taping noon.
Ngayon na may bakuna na at may demand for to make a teleserye comeback, will Julia Montes say yes just in case Kapamilya Network decides to give it a go again? Gusto namin ‘yan!