SA TRAILER pa lang ng “My Perfect You” nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach, nakaka-excite ng panoorin ang romantic movie of the season na dinirek ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema Films.Ito’y isang groundbreaking na pelikula dahil first big-screen collaboration ito sa pagitan nina Gerald, Pia at Direk Cathy. It’s just one love story na ngayon lang gagawin ng romcom queen.
When do you know you’re found your perfect you? “Hindi naman love at first sight… You find your perfect you. Of course, I find my perfect you na tinanggap ako. May pagdadaanan kayo obstacle, challenges, tapos unti-unti mo mari-realize kaya pala masaya, kung minsan malungkot kasi siya pala ‘yung para sa akin. It’s not necessarily perfect in everybody’s eyes but perfect for you,” sagot ni Pia.
Para naman kay Gerald, “Walang perfect, I’m trying to be good. Alam mo na, mararamdaman mo ‘yun agad na she’s the one. For me, life is perfect kapag nabibigyan o nabibili mo ng sapatos ang mother mo.”
Hindi itinago ni Direk Cathy ang paghanga kina Pia at Gerald as an actor sa ilang eksenang kinunan sa pelikula. “Itong eksenang ito hinihingi ko lang sa magagaling na artista. Sabi ko, magaling na artista lang ang puwedeng gumawa nito. Sabi ko nga sa producer ko at writer kakayanin nila, true enough. Si Pia pinalakpakan after the scene. Gerald and Pia, maraming kakabugin…
“Prior to that, may eksena maliit, true enough bumilib ako with flying colors. Sabi nga ni Gerald, Bakit si Pia lang ang pinalakpakan, bakit ako hindi ? To top all that, mabuti silang tao. I want to tell you how happy I am.They exceeded my expectation. As a film maker, nakita ko kay Gerald ang pagiging sincere actor. For Pia, hindi siya umaarte, magaling siya,” pahayag ng box-office director.
Ikinuwento ni Direk Cathy na pinanood niya ang mga pelikulang nagawa na ni Gerald. Gusto nitong makita ang acting ability ng actor kung may ibubuga nga ito sa aktingan.
Kilala si Direk Cathy mabusisi sa sa bawat eksena. Ultimo maliliit na detalye pinakikialaman niya. Gusto niya maging perfect ang portrayal ng kanyang mga artista. Magaling siyang mag-motivate kaya ganu’n ka-effective sa viewing public ang kanyang mga pelikula puros box-office hit.
“ Grabe ang effort ni Gerald, may scene kaming kinunan na malapit na sa ending, take 1. Nakita ko si Loydie (John Lloyd Cruz) kay Gerald. Sabi ko sa kanya, kapag bumalik ka sa acting mong ewan…” natawa na lang si Direk Cathy.
Very challenging ang role na pino-portray ni Pia as Abi , who is the lively owner of the hostel, Happy Sunshine Camp.
“Ibang klase ang character ko dito, Thankful ako kay Direk Cathy kahit mainit sa location. Sa gabi lang malamig mataas pa din ang energy namin.Maganda ‘yung location kahit walang signal, feeling ko du’n na ako nakatira. Palagi akong nasa ilog , first time akong nakakita na ganu’n kagandang nature, swimming , nagmo- mobile ako. Pagnandu’n na sa location, gentleman lahat ng lalaki lalo na kapag tumatawid kami sa ilog, “ say ng beauty queen/actress.
Pawang papuri naman ang sinabi ni Gerald kay Pia. Pinagmamasdan ng actor ang kilos at galaw ng dalaga. Nang makilala na nila ang isa’t isa saka nito na realize na walang ere sa katawan ang dating Ms. Universe.
“’Yung location, hindi pang Ms. Universe. Siya ‘yung kalog, napaka-down-to-earth , comfortable ako katrabaho siya. Gabi-gabi magkasama kaming nagdi-dinner. Magkatabi ang cottage namin.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield