MAY OFFER sa veteran actress na si Perla Bautista na gumanap bilang Melchora Aquino o mas kilala bilang si Tandang Sora, sa pelikula.
Ito ang masayang ibinalita ng director ng Melchora na si Dave Cecilio, mula sa Barras Productions na produced ng dating sexy actor-turned-businessman and now film producer na si Tonio Ortigas na tubong-Pampanga.
Dapat sana ay si Ms. Caridad Sanchez ang gaganap sa nasabing heroine role, pero a few days ago ay nagkaroon daw ito ng minor accident kaya in-advise siya ng kanyang doctor na bawal muna ang strenuous activities kaya naghanap ng kapalit ang production.
Na-consider rin ang mga pa-ngalan nina Gloria Romero, Anita Linda, at Alicia Alonzo, pero finally ay nagkaisa at nagkasundo ang produksiyon na kunin ang serbisyo ni Ms. Perla Bautista to play Tandang Sora.
Mabilis daw ang naging diskusyon nina Direk Dave and Perla na natutuwa sa oportunidad na gampanan sa pelikula ang talambuhay ng sinasabing “Ina ng Katipunan” na 87 years old nang tumulong sa mga Katipunero noong panahong ‘yun.
May hatid-sundo lang na kundisyon si Ms. Perla sa kanyang shooting days, at maliban dito ay excited na itong nagpakita agad ng interest to play Melchora Aquino.
Mula sa script ng theater veteran na si Roobak Valle (ng Gantimpala Foundation), nalaman naming sa bahay at tindahan pala ni Tandang Sora sa Caloocan nanirahan nang isang linggo ang mga Katipuneros.
Dito inalagaan ni Tandang Sora ang mga Katipunero, hanggang sa hinuli at kinulong ito sa Marianas Island (old Guam), kung kaya’t naging bayani siya ng Pilipinas. 107 years old siya nang mamatay.
Kasama rin sa cast si Maricel Morales bilang batang Melchora Aquino, Isabel Granada at ang asawa nitong si Jericho Aguas, Tonio, etc.
Nasa pre-production stage na ang Melchora at first shooting day ng said historical indie film sa June 9.
January 1812 ipinanangak si Tandang Sora, making her 200 years old ngayong taon kaya perfect ang timing ng paggawa ng talambuhay ng nasabing bayani.
SPEAKING OF Direk Dave Cecilio, na ang unang pelikula ay ang Watawat (Chin-Chin Gutierrez, Carlos Morales, etc), kasalukuyan rin nitong ginagawa ang second advocacy film niya, ang Musiko.
Ang Musiko naman ay tungkol sa mag-lolo na musiko o musician. Mali pala ang term na “musikero” if we translate the word musician, ito raw ay na-consult/ research na ng writer na si Ronald Verzo, at ito rin ang sabi ng mga music school.
In the cast ng Musiko sina Martin Escudero, Tommy Abuel, and Melai Cantiveros.
After Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington, ang blockbuster indie film ni Martin last year (kung saan siya nanalo ng dalawang best actor awards), nakasama rin siya sa mainstream hit na Moron 5 ng Viva Films.
Ngayo’y balik-indie film at balik-title roler si Martin with Musiko kung saan gumaganap ito bilang epileptic band musician na tutol ang kanyang lolo (Tommy Abuel) na maging “musiko” siya – dahil sa isang trahedyang naganap.
Saksi rin kami sa chemistry nina Martin and Melai sa pelikula. Naive o torpe ang character ni Martin at si Melai naman ang majorette ng banda nila, at aliw ang scenes nila together.
Dying industry na raw ang band musicians – na 1920s pa nagsimula sa Bacoor, Cavite (bayan ni Direk Dave) – kung kaya’t ito ang kanyang advocacy na muling ipakilala sa new generation ang Pinoy culture na ito na playing musical instruments, sa napahon ng computer age.
Sakto rin naming taga-GMA, Cavite ang alaga ni Popoy Caritativo na si Martin, kaya masaya ang young actor sa project dahil tipong going back to his roots ang kanyang “drama”.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro