Petisyon ni Kris Aquino para sa PPO, ibinasura
James Yap, pinayagan ng korte na makalapit kay Bimby

MASAYA KAMI para sa kaibigan naming si James Yap dahil finally, hindi pinayagan ng korte ang petisyon ni Kris Aquino para sa permanent protection order (PPO) laban dito para hindi na makalapit sa anak.

Sabi ng korte tungkol dito, “However, as to the minor James A. Yap, the record is bereft of any ground to convince the Court to make the permanent protection order. As it is, it will be the best interest of the minor that both his parents, however inconceivable as it may seem, will always be present to give him guidance and shower him with love.” Therefore, the prayer for permanent protection order against respondent with respect to minor James A. Yap is hereby DENIED.”

Ang balita, ni-requrest na ng kampo nina James na magkita sila ni Bimby sa Sunday. So sa nalalapit na pagdiriwang ng Father’s Day sa June 16, dama naming buong-buo na ang pagiging ama ni Papa James.

UMAMIN SI Vice Ganda na may pinagdaanan siyang depresyon. Sa report ng abs-cbnnews.com, matapos daw ang opening number nila sa programa lat Tuesday, May 28, nagsalita na si Vice at nagsimulang humingi ng paumanhin sa mga executives ng ABS-CBN. Aniya, “Gusto ko lang hingin ang pagkakataon na ito na mag-apologize sa madlang people. Ipagpaumanhin niyo po na matagal ako nawala. Gusto ko rin humingi ng paumanhin kay Ma’am Charo, kay Tita Cory, kay Sir Deo, kay Direk Bobet, kay Boss Gabby, kay Sir Riley, sa ‘GGV’ family ko dahil ako’y nawala ng walang paalam.”

Taliwas daw kasi sa mga papuri at tagumpay na kanyang natanggap, inamin ng komedyante na inatake siya nitong mga nakaraang araw ng matinding depression dahil daw naisip niyang parang wala siyang mapag-alayan ng kanyang natamong tagumpay.

“These past few weeks, nilamon ako ng depression na hindi ko ho maintindihan. So natulog ako. Paggising ko malungkot pa rin ako kaya hindi ako nakapasok sa ‘It’s Showtime.’ Inisip ko, bakit ba ako nalulungkot? Iyak lang ako ng iyak.” Ani Vice Ganda.

Inamin din niyang nakaligtaan niya ang kanyang pamilya dahil subsod ang kanyang panahon sa pagtatrabaho.

Noong araw din daw na ‘yun, nagmamadali siyang pumunta sa kanilang probinsiya sa La Union upang sunduin ang kanyang lolo na nag-aantay daw sa kanya Marso pa nitong taon.

Dagdag pa nito, “Hindi ako nagpaalam sa ABS, bigla na lang akong nawala kasi naramdaman ko nung oras na iyon kailangan kong gumawa ng paraan para makuha ko ulit ang pamilya ko. Dumiretso ako ng La Union, sinundo ko ang lolo ko. ‘Yung lolo ko na pinangakuan ko na sabi ko after ng birthday production number ko sa ‘Showtime’ susunduin ko siya. March 31 iyon. Anong date na? May 18 na nung na-realize ko na hindi ko pala nagawa yung pinangako ko sa lolo ko.”

Sinabi pa niyang nadurog daw ang kanyang pakiramdam nang pagdating niya sa bahay ng kanyang lolo ay nakita niya ang isang bag na nakaimpake na at siya na lang ang inaantay.

Aniya, “Iyak lang siya ng iyak, nakayakap siya sa akin. Sabi ng tiyahin ko ‘Alam mo ba, nung sinabi mo sa ‘Showtime’ na susunduin mo siya after ng birthday mo, nagpapitas siya ng mga manggang hilaw.’ Kasi iyon daw ang pasalubong niya sa akin. Nahinog ang manggang hilaw, nabulok, ipinatapon niya. Sabi niya ipitas daw ulit kasi dadating na si totoy.’ Pumitas sila ulit tapos nahinog ulit, nabulog ulit, pinatapon niya ulit. Sabi ng tiyahin ko ‘Pipitas pa ba natin ulit?’ Sabi daw ng lolo ko hindi na kasi tinanggap na niya sa sarili niya na hindi na ako susunduin ni totoy.”

Napagtanto na daw niya ngayon na importante ang pamilya sa buhay. Ngayon daw na feeling niya ay kumpleto na siya, mas madali na daw para sa kanya na magpasaya ng ibang tao.

Three days ago, apat sila ng kanyang lolo, nanay at isang kamag-anak ang litratong ipi-nost nito. Nakasulat dito, :The moment i can really say I AM SUCCESSFUL!!!!” #preciousmoments

Two days ago, nag-post naman siya ng litrato nila ng kanyang lolo na akay akay niya sa beach. Nakasaad dito, “He guided me during my first steps. Now its my turn.” #priceless

Sure na ‘to
By Arniel Serato

Previous articleGabriela, may aksyon laban kay Vice Ganda
Next articleJudy Ann Santos, nahihiya ‘pag tinatawag na ‘Queen of Teleserye’

No posts to display