MAY BAGONG boy group na naman na kakikiligan ang Pinoy fans. Ito ay ang Clique5 na binubuo ng 5 naggugwapuhang bagets na iba’t iba rin ang personalidad at talento.
Ang Clique5 binuo ng 3:16 Events and Talent Management Company managed by Kathy Obispo and Len Carrillo. Four of the members namely sina Marco, Karl, Sean at Josh ay produkto ng Circle of 10 Image Model Search na nag-launch sa showbiz career nina Jennylyn Mercado, Jason Abalos, Dion Ignacio, Ejay Falcon, among others.
Si Clay lang ang hindi produkto ng C10, pero dahil sa husay niya sa pagkanta, isinama rin siya sa Clique5.
Bago sumabak sa showbiz ay hinasa munang mabuti ang lima sa pagkanta sa pamamagitan ng voice lesson. Sumailalim din sila sa acting workshop sa PETA at ngayon ay patuloy na nag-a-undergo sa personality development training at dance workshops.
“Ayaw namin na half-baked o hilaw ang Clique 5 kapag isinalang namin sila. Gusto namin prepared sila at ready talaga sa mundong papasukin nila,” katwiran nina Kathy at Len.
Ilalabas na ng Clique5 ang kanilang digital Christmas single titled Tuwing Pasko ngayong November. The song was composed of the award-winning songwriter Joven Tan na grand champion ng Himig Handog P-Pop Love Songs.
Magkakaroon na rin sila ng debut album soon na ang ilan sa kanta ay nilikha rin ni Joven.
Eh, ano nga ba ang pinagkaiba ng Clique5 sa ibang boy group sa bansa?
“They are the total package. Puwede silang kumanta, sumayaw at umarte. Hindi limited ang kanilang talento,” pagmamalaki nina Len at Kathy.
La Boka
by Leo Bukas