Hindi na kailangan ang mahabang introduction ‘pag binanggit mo ang AlDub. Sino ba ang hindi nakakikilala sa napakasikat na tambalang ito nina Alden Richards at Maine Mendoza, o mas nakilala na ‘Yaya Dub’ sa KalyeSerye ng ‘Eat Bulaga!’.
Wala talagang nag-akala na susulpot ang isang ‘Yaya Dub’ na magpapabago ng viewing habits ng mga Pilipino. At aminado naman si Alden na nahatak pataas ni Maine ang career niya na sa mahabang panahon ay tila nasa limbo. Kaya kung madalas na naiiyak ang aktor sa tuwing kinakantahan niya ang kanyang ‘muse’, ‘yun ay mga luha ng kagalakan, at malamang ay walang humpay na pasasalamat.
AlDub broke all showbiz formulas, so to speak, sa biglang pag-imbulog ng kanilang kasikatan hindi lang dito sa atin, kundi worldwide. Walang matinding fanfare, o publicities na pinagdaanan ang tambalang ito – kundi isang simpleng split-screen TV at ang pagli-lypsync nina Maine at Alden ng mga sikat na love songs.
The tandem strike a ‘kilig chord’ sa kanilang tagasubaybay.
By now, buong sambayanan ay kabisado na ang ‘love story’ ng AlDub.
Another fascinating facet ng loveteam na ito ay walang matatawag na ‘status’ ang kinikilig na fans nila. Mula sa mga nasa alta sosyedad hanggang sa ordinaryong magbobote ay talagang ‘nahawaan’ ng AlDub Fever.
Kung anu-ano na ang nasulat sa phenomenal rise nina Alden at Maine na tila pilit naghahanap ng kasagutan kung papaanong mula sa ‘kawalan’ ay dalawang tao ang halos kabaliwan ngayon, mula Lunes hanggang Sabado, ng kanilang mga tagasubaybay.
Tiyak na ubos ang espasyo natin kung iisa-isahin natin ang dahilan ng mga fans nila, na hindi lang mula Aparri hanggang Jolo, ang inaabot sa ngayon.
Pati nga ang international observers ay na-curious sa AlDub.
Sumasabog ang Twitter world sa ‘hashtags’ ng AlDub. Napupuno ang newsfeed ng Facebook sa trending topics ng tambalang ito.
At walang matinding effort na ginawa sina Alden at Maine para sila ‘mahalin’ nang todo-todo ng kanilang fans.
KalyeSerye, as the name suggest, ay ginaganap lamang sa kalsada! Walang elaborate na set design, walang matitinding tagisan ng mga linya, walang effort – but it started something novel para sa mga televiewers. At talagang ito ay patok na patok!
Of course, may branding nang matatawag ang ‘Eat Bulaga!’, mahigit 30 taon na silang umeere, pero hindi sila natitinag sa kinalalagyan nila. May captive audience na ang programa, pero maski ang mismong produksyon nito ay manghang-mangha sa klase ng pagtanggap sa AlDub.
What’s really commendable sa AlDub at sa KalyeSerye ay ang ‘values’ na ipinakikita nila at ipinararating sa mga televiewers.
‘True love can wait’ – tila ito ang iniinugan ng pagmamahalang AlDub. Sa mga Pilipino na lubhang mga romantiko, swak na swak talaga ‘yan.
If AlDub changed the landscape of TV viewing, mas malaki ang dalang pagbabago nito sa mga personal na buhay nina Alden at Maine.
Professional fee-wise, hindi lang domoble o nagtriple ang talent fee ni Alden, sumirit nang husto ang bayad ngayon sa aktor. Pati product endorsements ay naging kabi-kabila sa aktor at sa tambalan nila ni Maine.
As of this writing, may 10 TV ads na ang AlDub, and more will soon invade our TVs and prints.
Whatever they touch seem to turn to gold! Ganoon katindi ang tambalang ito!
Maine, as what everyone knows now, comes from a prominent family in Bulacan. Kahit na tikom ang bibig ni Yaya Dub sa katayuan ng kanyang pamilya, open-secret na sa publiko ang kanyang upbringing. Hindi siya ‘yung gustong mag-artista para makatulong sa kanyang pamilya. Pero ‘secret wish’ niyang talaga ang pagpasok sa showbiz.
Mabubuhay nang maalwan si Maine sa suporta ng kanyang pamilya.
At kahit siguro sumabak siya sa corporate world, hindi pa rin siya mahihirapang makakuha ng magandang trabaho.
Pero mas tinanggap siya sa showbiz. Kaya masasabing mas natupad niya ang kanyang pangarap sa mundong ito.
But Maine remains level-headed. Kaya naman mas minahal siya ng kanyang fans.
Whatever it is that made AlDub phenomenal, it will vary on how they touch their fans lives.
Kahit na sabihin ng iba na pansamantala lang ang kasikatang tinatamasa ngayon nina Alden at Maine, the fact will still remain for years to come, they swept the entire globe with the kind of charm that is beyond tweeting or ‘hashtags’.
Ang tawag doon ay ‘good vibes’.
Ni Eric Borromeo
Photos from Eat Bulaga Facebook page and various AlDub Facebook fanpage