ABSUWELTO SA kasong estafa ang actor na si Philip Salvador na isinampa sa kanya ng dating nobya na humihiling na panagutin sa kasong criminal ang actor matapos na ito ay ibasura ng Korte Suprema.
Sa halip ipinagtibay ng Kataas-taasang Hukuman ang ruling ng Court of Appeals last February 11, 2010 na nagbasura sa desisyon ng mababang hukuman na nagpatunay na nagkasala ang actor sa kasong estafa.
Sa nasabing desisyon ng mababang korte, ginagawaran ng mula apat hanggang 20 taong pagkabilanggo si Philip habang pinawalang-sala naman ang kapatid ng actor na si Ramon dahil sa kawalan ng ebidensya.
Ayon sa SC, mahina raw ang mga ebidensiyang ng prosekusyon. Ayon din dito, hindi rin nakatulong sa pagpapabigat ng kaso laban sa actor ang testimonya ng kapatid ng dating nobya ni Philip.
Sina Philip at ang dating nobya ay nagkakilala noong December 2000 at naging malapit na magkaibigan hanggang sa umano ay nagkaroon sila ng relasyon.
Pinahiram diumano ng puhunan ng dating nobya ang actor para gamitin sa negosyo pero imbes daw na sa negosyo ay sa ibang obligasyon daw diumano ibinayad ng actor dahilan para kasuhan siya ng dating nobya.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo