TO A great extent, the latest medical breakthrough called stem cell treatment has swept the nation like a typhoon entering the Philippine area of responsibility (or PAR as weather experts would say).
Previously in our column here in Pinoy Parazzi ay iniulat na namin ang lumalakas na pananampalataya in this modern science — na bagama’t maaaring gawin sa bansa — ay mas epektibo kung sasailalim ang pasyente sa prosesong ito sa mismong bansa — ang Germany — na siyang pinagkukunan ng anti-aging substance extracted from a black mountain sheep.
By now, Boy Abunda must have left for Germany with his Nanay Lising who’s suffering dementia (or Alzheimer’s disease) na karaniwan namang dumadapo sa mga taong may edad na. Also, in a week or two ay tutungo rin si Lolit Solis sa naturang bansa for treatment of her diabetes (pero sagot ni Dra. Vicki Belo ang isang milyong pisong bayad) with her ward Lorna Tolentino na siyang maglilibre naman ng kanilang week-long stay roon.
Minsan nang naipahayag ni Butch Francisco (who openly admits na wala siyang ganoong halaga after he had his condo unit in Greenhills repaired, almost reconstructed) na paano na raw ang mahihirap who cannot afford to avail of stem cell treatment?
Wala man itong relasyon sa showbiz, pero magsilbing panawagan sana ito sa Department of Science and Technology at Department of Health to conduct a thorough research on making affordable to the socially marginalized ang naturang treatment.
Stem cell treatment in Germany? Baka nga ang ilan nating mga kapus-palad na mamamayan, ang alam lang ay German cut na tule, asong German shepherd, processed meat na German sausage… at ang the height, ang Master Showman na si German Moreno!
TAONG 2004 nang yakapin ni Philip Salvador ang pagiging isang born again Christian. Since then, Kuya Ipe has been shuttling between Manila and Bulacan (to as far as Bataan) kung saan ibinabahagi raw niya ang kanyang testimonya sa buhay, his past life most specially until he finally knew his Heavenly Master.
Sa mga pagkakataon din daw na ‘yon nakakabungguang-siko ng premyadong aktor ang maraming Bulakenyo na humihikayat sa kanya na subukan naman ang maglingkod sa gobyerno. Kuya Ipe, however, was not readily convinced until he earnestly asked for a sign. Aniya, kung ipahihintulot daw ng nasa Itaas na palawakin ang kanyang misyon sa buhay, bakit hindi?
Hindi binanggit ni Kuya Ipe ang ispesipikong palatandaan o sen-yales ng sinasabi niyang Divine intervention, but having received the blessing ay napagtanto niya na meron siyang “calling” for a new chapter in his life, and that is serving his kababayans kung papalarin siyang maging bise-gobernador ng Bulacan.
For the record, ang nasirang ina ni Kuya Ipe na si Ginang Corazon Reyes (who perished in the fire, pero huwag na nating balikan pa ang masaklap na alaalang ‘yon that allegedly involved a son of a famous comedian) was born and raised in Baliwag. Genetically, through Kuya Ipe’s veins ay nananalaytay ang dugong-Bulakenyo.
Sa ngayon, ang nakaupong Bulacan Vice-Governor ay si Daniel Fernando. Both Daniel and Philip are close. Maging close din kaya o dikit ang makukuha nilang boto sa 2013 elections?
RIOT ANG episode ngayong Miyerkules ng Face To Face taped in San Andres, Manila na pinamagatang Mister Na Pabling, ‘Di Lang Mahilig Sa Bibing Dahil Pumapatol Maging Sa Bading! Hindi pa kasi nakuntento si Solomon, meron nang kinakasamang si Jennifer, pinatos pa si Roma na nagpatulong lang magpaigib ng tubig, pumatol pa kay Lenlen na nagpapa-ending, pero nagpapakalantari pa rin sa beking si Trisha gabi-gabi.
Abangan naman bukas, Huwebes, ang kuwentong Lasenggera Na Libangan Ang Tsismis, Pati Kaibigan Siniraan Nang Walang Mintis! Halos ipako sa krus si Terry ng kanyang mga kapitbahay dahil sa tabil ng bunganga nito, sukat ba namang ipinagkakalat nito na nakikipaglaplapan ang may-dyowa na niyang BFF na si Me-Ann kay Wilson na barkada ng kanyang asawang construction worker?
Cheap stories at their cheapest, saan ka pa?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III