IN CASE the name George del Rosario sounds familiar, in showbiz circle ay siya ang balae nina Senator Bong Revilla at Bacoor Representative Lani Mercado whose daughter Ynna married his son.
Pero sa mundo ng pulitika, matunog ang pangalan ni GDL na umano’y malaki ang nai-tulong sa pagkakapanalo ng incumbent ma-yor ng Pasay City. Nasa likod din umano ang ginoong ito sa kampanya noon ng nakaluklok na si Quezon City Mayor Herbert Bautista.
GDL’s name all the more rings a bell dahil sa matunog at kumpirmadong pagtakbo niya sa darating na eleksiyon, snatching the mayoral seat from the guy whom he greatly helped in Pasay City.
As of the last quarter of 2011, balitang ang runningmate ni GDL (sa pagkabise-alkalde) ay si Philip Salvador.
Kung matatandaan, Kuya Ipe ran for a local post in Mandaluyong City several years ago, but lost. Kaya ang tanong ng marami, taga-Pasay ba ang aktor? When asked about his political plan, basta ang sagot lang ni Kuya Ipe sa amin, he already purchased a property somewhere in Pildera in Pasay City (Pildera is one of the major voting blocs in the city composed of 201 barangays).
As per the Comelec ruling, at least one-year residency ang required of candidate for any local position before the elections. As such, kailangang visible na ang sinumang kandidato sa kanyang pinagrehistruhan beginning this May 2012.
This first quarter of 2012 ay muli naming nakausap si Kuya Ipe, reconfirming his original plan. Pero ang tiyak nang tatakbo bilang vice mayor sa Pasay City last December 2011 was singing a different tune. Hindi pa raw sigurado ang aktor.
Nito lang namin nabalitaan na nakarehistro na pala si Kuya Ipe sa Pandi, Bulacan. From Pasay to Pandi is a several-kilometre distance.
So, ano na ang nangyari sa kanyang plano, at sa Pandi na siya tatakbo? At ano na rin ang balak ni Kuya Ipe sa ari-ariang sinabi niyang nabili na niya sa Pasay City?
Naku, hinanapan na lang daw namin ng kunek ang mga lugar na ito. Combine the syllables in Pandi and Pasay, and you have “Pan-day,” hindi ba’t siya ang kontrabida sa pelikulang ‘yon?
PORMAL NA nilagdaan ng Public Attorney’s Office (PAO) at ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang isang Memorandum of Agreement kung saan susuportahan ng naturang ahensiya ang mga miyembro ng naturang writers’ group under threats of libel, harassment and maltreatment.
Sakop din ng nasabing MOA ang pagbibigay-tulong ng PAO sa mga pamilya ng PMPC members who may fall victim to media killings. Next week ay magkakaroon din ng kasunduan ang PAO at ang Entertainment Press Society, Inc. o EnPress also towards this end.
Gusto naming isipin that this is a reaffirmation of Atty. Persida Rueda-Acosta’s having been a deserving recipient of the Darling of the Press award in the last Star Awards for Movies. But more than this title, we feel convinced that reporters also have a legal place under the sun lalo’t marami ang hindi nakauunawa na bahagi ng aming tungkulin ang maghatid ng balita.
With such legal safeguards, alam naming nakatagpo kami ng isang tunay na kakampi amidst the occupational hazards.
TILA SUMASABAY ang Friday episode ngayon ng Face To Face amidst the raging controversy involving transgenders na may karapatan din daw sumali sa Miss Universe alongside natural born women. Tampok kasi sa kuwentong Beki Dinaig Pa Ang Tunay Na Babae Dahil Iniiyakan Ng Dalawang Lalaki si Donna, ang non-kabogable beki torn between his dyowas Bebe and Jessie.
Natapos ang relasyon ni Donna kay Bebe, nasadlak naman sa piling ni Jessie pero enter frame ang madir nitong si Aling Salvacion na tahasang nagdeklara ng, “Ayokong magkaroon ng manugang na bakla! Paglalayuin ko sila!” Pero pilit na ipinaglalaban ni Jessie sa ina ang pagmamahal niya kay Donna.
Ang ganda mo, ‘teh!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III