OLA CHIKKA na naman tayo! Kailangan ito para matauhan ang dapat matauhan. Umpisahan na natin ang ating tsismax to the maximum authority of chikka ng inyong Tita Swarding na laging nagpapasabog para pag-usapan sa iba’t ibang showbiz talk show.
Tulad na lang ng pagbubuyangyang ng boobs ni Kris Aquino, na hanggang ngayon pinag-uusapan pa rin. At ang pelikulang One More Try na aywan ko bakit wala pang paliwanang ang Star Cinema kung ito nga ay may ginayang pelikula na isang Chinese film, ang In Love We Trust. Kasi ba naman, wala raw kinalaman ang mag-inang Susan Roces at Grace Poe sa kung sino ang tatanggap ng FPJ Memorial Award.
Kaya sa susunod na awards, hindi na sila paloloko kung ito man ay hindi original, kasi baka kung buhay pa si FPJ, sabihin sa kanila na isang bala ka lang. Wala raw kasing originality ang One More Try na ang dapat bigyan ng award ay ang Thy Womb o El Presidente.
Kaya lang, marami ang sumama ang loob sa pelikulang El Presidente. Kasi nga naman, bakit daw ginawang konrabida si Gat Andres Bonifacio at ang bayaning Juan Luna. Sana raw, hindi nila binago ang history, kasi malilito ang mga batang mag-aaral kung manood nito.
At ang nakakaloka, tapusin na muna natin itong mga intriga sa nakaraang MMFF, dito tayo sa nakaraang X-Mas party ng KAPPT na pinamumunuan ni Philip Salvador. Na ayon sa kausap ko na isa sa mga board of director na si Lyn Madrigal, ang ina ni Genelyn Magsaysay na naging asawa ng matandang Ramon Revilla, Sr, na ina ng pinaslang na si Ram, kasi mangiyak-ngiyak daw itong si Ipe. Kasi ba naman, wala man lang sumuporta sa mga kawawang maliliit na manggagawa sa industriya na taon-taon na kaugalian na ito na pagsapit ng Dec. 29. Nagtutungo ang mag ‘yan sa Mowelfund at nagbabaka-sakali na maambunan sila ng mga artistang nagbibigay-suporta sa KAPPT.
Kaloka, as in! Kasi ba naman, tanging si Sen. Bong Revilla, Jr. lang daw ang nagbigay ng 50 sacks of rice at si Kuya Germs na nagbigay sa mga bata ng tig-20 pesos. Kaya ang Philip, naglabas ng mahigit na P100-K para maibsan ang kalungkutan ng mga nandoon sa X-Mas party. Pero dahil sa dami ng dumating, ang daming umuwing luhaan.
Dati kasi, kapit-bisig silang nagbibigay-suporta rito. Pero ngayon, walang nakaalala, tulad ni Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Lito Lapid, Sen. Tito Sotto, at ang iba pang mga artistang pulitiko na dapat ngayon nila ipakita na sila ay talagang tumutulong sa mga kapus-palad.
Pero sabi ng aking co-host na si Ivy Batulajat, ‘pa’no susuporta ‘yan hindi naman sila kandidato ngayon? Sa 2016 pa.’ Pero bakit si Sen. Bong, tulad ni Gov. ER Ejercito na dati siya ang presidente nito, dating Pres. Erap na kumakandidato ngayon na mayor ng Maynila, Gov. Vilma Santos-Recto, Bokal Christoper de Leon, Bokal Angelica Jones, Mayor Herbert Bautista, Vice Mayor Isko Moreno, Coun. Lou Veloso, Coun. Alfred Vargas ng Q.C., Coun. Roderick Paulate, Cong. Lani Mercado, Cong. Lucy Torres at Richard Gomez,Vice Gov. Daniel Fernando, at ang mayabang na si Willie Revillame, Vic Sotto, Joey de Leon, at Sharon Cuneta na kamakailan nagpamudmod daw ng cash at mga regalo sa mga movie press at ang mga talagang nagpamudmod ng datong nu’ng Kapaskuhan bago ipalabas ang Sisterakas, sina Kris Aquino, Ai-Ai delas Alas at Vice Ganda, at ang ilang mga director na nakaaangat sa buhay, mga wala rin?
Kaya ayon, umiyak daw si Philip sa nga pangyayari. Tanong: ano kaya ang dahilan bakit hindi nila sinuportahan si Philip? Kahit na sa taong 2012, walang Star Olympics. Ano ang dahilan na dapat ipaliwanag ng KAPPT? O baka naman kailangang baguhin na ito or i-abolish na lang para hindi na nila asahan. Kawawang maliliit na manggagawa, nagbaka-sakali sa wala. Anong say n’yo?
PITIK-BULAG: Sino itong lady stylist na kaya raw tsinugi niya ang dati niyang BF kahit na talagang inlababo siya dahil ‘pag nalalasing hindi niya kayang alalayan at lagi siyang may dalang towel at tissue? Bigla na lang daw kasing susuka sa harap niya sa kalasingan at hindi niya kayang hilahin sa sasakyan. Kaya ayun, nagtiyaga na lang siya sa isang bading na host ng isang talk show na may kambal pero wala pa naman silang inaamin. ‘Yun na!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding