NAGING EMOTIONAL sina Philip Salvador at Roderick Paulate sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break ng GMA-7 last Sunday. Pumasok kasi sa bottom 10 ang dalawa nilang protégé. Kailangan nilang mamili kung sino ang dapat ma-evict. Isa lang sa mga ito ang dapat pumasok.
Parang mga anak na ang turing ni Kuya Ipe sa kanyang mga talent kaya’t nahirapan siyang magdesisyon kung sino ang may karapatang manatili pa at sino ang kailangan nang umuwi. Sa first eviction night, nagpaalam na ang limang aspirants. From Mindanao region, Apple Vega; Mega Manila, Kelly D.; South Luzon, Mykel Ong; Davao City, Glenn Roy; at Visayas, Mitch Capili. Sa totoo lang, napakahirap ng mga pinagdaanan ng mga protégé para makamit nila ang tagumpay para maging ganap na artista.
Speaking of Philip Salvador, busy rin ang magaling na aktor sa teleseryeng Makapiling Kang Muli with Richard Gutierrez. Dibdiban din ang paghahanda niya sa pagpasok sa pulitika sa tulong nina Mayor Enrico Roque (Pandi Bulacan) at Vice-Mayor Patrick Menesis (Bulacan). This time, tatakbong vice governor ng Bulacan ang magaling na actor. Makakalaban niya si Vice Governor Daniel Fernando.
All out support ang ibinibigay kay Philip nina Senator Bong Revilla at Sen. Jinggoy Estrada. Alam kasi ng dalawa niyang BFF na may kakayahan siya maging public servant. Likas sa kanya ang matulungin sa kapwa magpahanggang ngayon.
IBAYONG PAGHAHANDA ang ginagawa ngayon ni Sen. Bong Revilla para sa first ever drama-series niyang Indio ng GMA-7. Big-budgeted soap raw ito kaya’t ibayong paghahanda ang ginagawa ng Kapuso Network para sa ikasisiya ng manonood sa telebisyon. Binusising maigi ang script para lalong maging makulay ang takbo ng istorya. Sisimulan gawin ito ng action star pagkatapos ng pelikula nila ni Vic Sotto for Metro Manila Film Festival with JudyAnn Santos.
Ang nasabing bagong tele-movie ni Bong ay magsisilbing signature soap niya for television. Baka raw ito ang maging first and last niyang teleserye kaya’t ganoon na lang siya kametikuloso sa script. Gusto niyang tumatak sa isipan ng viewing public ang naiibang istorya nito.
Balitang sina Jennylyn Mercado, Maxene Magalona at Rhian Ramos ang magiging leading ladies ng senador at ididirek ni Dondon Santos.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield