Philip Salvador, pinatunayan ang galing kahit na kontrabida ang role

AS AN actor, wala nang dapat pang patunayan si Phillip Salvador. Nirerespeto at iginagalang sa movie industry. For the first time, gumanap na kontrabida bilang Lizardo sa pelikulang Panday 2 ni Bong Revilla, Jr. Grabe ang ginawang paghahanda ng magaling na aktor para maging makatotohanan ang kanyang pagganap.“Kapag napanood ninyo ako sa Panday 2, hindi ninyo ako makikilala. Iniba ko lahat, pati boses ko, iba. Pinag-aaralan ko talaga ‘yung character ko, ang hirap. ‘Yung sa akin, kung mali, i-lambast ninyo ako at kung maganda, purihin naman ninyo ako. ‘Yun lang naman ako, gusto ko kasi, everybody is entitle to their own opinion. Ako naman, marunong rumespeto ng kritiko, kung anuman ‘yung hindi maganda, alam kong isusulat ninyo. I will work on that. I’ll try to be better next time. Nang mapanood ko, ang hirap pala ng ginagawa ko, hindi ako ito. Hindi ko makita ‘yung sarili ko, hindi ko makita si Ipe. I’m hoping, ganoon din ang makita ninyo,” kuwento ni Kuya Ipe.

Ano ‘yung challenge na ibinibigay ni Bong kay Phillip? “Una, gusto kong masuporta nang tama si Bong. Sa kanya ako unang nag-kontrabida. Gusto kong makatulong sa proyekto ni Bong na kapag pinanood, sasabihin, maganda ang chemistry nu’ng dalawa, bida, kontrabida. Wish ko lang, sana makagawa kami ni Bong ‘yung parang Al Pacino and Robert De Niro, action-drama na ganu’n. Ang maganda kay Bong, he’s the only actor na puwedeng gumawa ng fantasy, action-drama. You now why? Because Bong is growing to be a serious actor, better and better actor. Naggo-grow siya nga-yon, makikita mo pati sa dubbing, ang busisi niya. Hindi ko nakikita ganyan dati ‘yan.”

Pagdating sa harap ng kamera, binibigyan ng advise ni Kuya Ipe si Bong. “Pinapanood ko siya. Sinasabi ko kay Bong na sabihin mo sa kanila na tingnan ka. Huwag silang matakot kung hindi tama ang kanilang nakikita.”

Tunay ngang matalik na magkaibigan sina Kuya Ipe at Sen. Bong. Hindi hahayaan ng magaling na aktor na sirain ng intriga  ang friendship na mayroon sila, same with Sen. Jinggoy Estrada. “Sa lahat ng ayaw kong mangyari, mawasak ‘yung friendship namin. Ako, ayaw na ayaw kong may intrigang mangyayari du’n sa dalawang kaibigan ko. Mahal na mahal kong pareho ‘yan.”

Sa pananaw ni Kuya Ipe, makakaapekto kaya sa political career ni Sen. Bong ang nangyayaring  controversial issue tungkol sa pamilya nito? “I don’t think so. People know who’s Bong is. Alam nila kung mayroon pang mga sakunang nangyayari, unang-unang dumarating si Bong Revilla. Kahit saan, wala akong nakita pang nauna pa sa kanila. Alam mo, sa dalawang kaibigan ko, marunong mang-handle ang mga ‘yan. Lahat tayo’t may dinadaanang bagyo, pagsubok ‘yan. Tandaan ninyo, ‘yung mga bagyo nating dinaraanan, hindi Diyos ang may gawa n’yan. Ang gagawa n’yan, demonyo. Ang tinitignan ng Diyos, ano ang una mong gagawin. Uunahin mo ba ang mga taong nakapaligid sa ‘yo, o uunahin mo Ako? Kasi, ang Diyos, kapag inuna mo Ako, relax ka na lang d’yan , Ako na ang kikilos. But definitely, nobody will touch you. I will protect you from the start ‘til the end.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articlePinoy Parazzi Vol 5 Issue 8 December 19 – 20, 2011 Out Now
Next articlePitong naglalakihang pelikula ngayong Kapaskuhan

No posts to display