TWELVE UPCOMING programs all presented in one big event, ito ang ipinapanood ng TV5 sa press kamakailan via its trade launch.
Isa sa isang dosenang show na ipinagmamalaki ng TV5 is the Edu Manzano-hosted Game N’ Go na makakatapat ng Eat Bulaga at ng It’s Showtime sa noontime slot. But it humbly labels itself as nothing more than a game show minus the frills, shrills and thrills tulad ng mga katapat nitong programa.
Para sa amin, this is not an act of humi-lity on the part of TV5. The fact na walang-takot nilang tinapatan ang kanilang mga kalaban (huwag na ang pambato ng Dos, na ni-recycle na’t lahat, inilapit pa ang program title sa Eat Bulaga sa pandinig, sinahugan ng mga wala namang kawawaang host and what-have-you… and what-it-doesn’t-have!), umaasa ang Game N’ Go that somehow, it’s “games” will “go”.
Negative nga lang ang napiling pamagat para i-resurrect ang hosting career ni Edu via a rival network, may “Go” kasi sa title kaya mukhang expected na rin ang paggo-go nito tulad ng kanyang Family Feud sa GMA that had created “feuds” more than “unities” kaya natsugibels.
What also appears to be a validation na isang “game now, go tomorrow” ang pantapat ni Edu sa dalawang existing noontime programs is the inclusion of his co-host Arnell Ignacio. Bagama’t isang paboritong pastime ng mga misis sa hapon ang maglaro ng bingo, mukhang wala nang nakaaalala sa hinost ni Arnell na GoBingo sa GMA… sa “ene” (N), nabantilawan na rin ang hosting ni Arnell!
Pero sige, let’s be fair by giving Game N’ Go a chance to prove itself. All the more na dapat magsilbing hamon sa ambisyosong programang ito ang magpakitang-gilas — so with the other eleven shows — most specially that the thrust of TV5 this 2012 is to become the leading player in the TV industry.
ALUMPIHIT SI Philip Salvador sa balak niyang muling sumabak sa pulitika, this time in Pasay City, lugar ng inyong lingkod.
Matatandaan that Kuya Ipe ran for local post in Mandaluyong City but lost. Many years later, heto muli ang aktor wanting to try politics anew.
“Sasabihin ko na lang sa ‘yo ‘pag siguradung-sigurado na ‘ko,” sabi ng balitang tatakbong bise-alkalde ng aming balwarte.
Kung tutuusin, hindi kataka-taka if Kuya Ipe is deadest on pursuing a career in pubic governance, after all, his bosom friends Senators Bong Revilla and Jinggoy Estrada have long embraced politics. The two gentlemen’s political aspirations must have rubbed off on their “kuya”, now more armed with unflinching determination to serve the people.
IT CAN be both wacky and tacky. Ang tinutukoy namin ay ang programang Face To Face na araw-araw n’yong nakakasama hosted by Tyang Amy Perez.
Abangan ngayong Miyerkules ang kuwentong pinamagatang Nililinis Ko Ang Kuko Mo, Pero Sinaktan Mo Ang Puso Ko! Iikot ang istorya sa manikuristang si Angie na natsugi sa pinapasukang parlor makaraang iskandaluhin siya roon ni Joan na ka-live in ni Jocris. Todo-tanggi naman si Angie na meron silang “something” ng lalaking madalas siyang yayaing mag-date.
Panoorin naman bukas, Huwebes, ang episode na Muntik Na Akong Sagasaan Ng Anak N’yong Palikero… Iginapos at Binugbog N’yo Pa Ako, Kulang Na Lang Patayin N’yo Ako! Saksi ang kapit-bahay na si Nieves nang makitang sinakal ni Franklin si Vina, kinaladkad papasok ng bahay upang doon gulpihin hanggang ma-ging duguan. Sina Vina at Franklin ay 14 taon nang nagsasama, pero ang masaklap, maging ang mga magulang ng lalaki ay nananakit din umano sa pobreng babae.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III