Pinatunayan ng Philippine Stagers Foundation na kaya nilang punuin ang Araneta Coliseum last Monday.
Actually, second time na nilang mag-concert sa Big Dome and PSF Director Vince Tañada made history because his theater company is the only group which staged for two consecutive years a big concert at the Big Dome.
PSF showed to all and sundry that despite the fact na ini-ignore sila ng ibang theater companies at hindi sila kinikilala bilang legitimate group ay kaya nilang punuin ang Araneta Coliseum.
Kaaliw lang ang concert as it showed Vince Tañada and his group performing a slew of production numbers. Naging throwback ang isang segment as it showcased popular songs of yesteryears. Aliw ang Marimar number, ang God Gave Me You ni Vince which was easily the most applauded number, the Run To You lip-sync performance ng isang member na litrally ay takbo nang takbo sa stage.
Hindi roon nagtapos ang performance ng PSF members. When Arnel Ramos and I went to PSF office to party, nagmukhang extension ng Araneta ang office dahil nag-perform pa rin ang PSF members. All young and bubbly, buhay na buhay ang party dahil sa kanila. Birit kung birit ang isang girl ng Listen. ‘Yung guy na takbo nang takbo sa Run To You number niya ay super husay sa kanyang Shine number ni Regine Velasquez. Super taas pala ng boses niya, huh!
Siyempre pa, kumanta rin si Vince ng Tagalog medley. Aliw na aliw ang lahat sa party.
Ang chika ni Vince, ang Popepular ang pinaka-successful play nila with over 400 performances already. Matatalbugan na raw nito ang Bonifacio na more than 400 performances din. Ito ay dahil sa March pa magtatapos ang kanilang season. Kaabang-abang ang Mindanao tour ng Popepular.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas